Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 1 April 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Wednesday, November 03, 2010

 

Tropa ng pamahalaan, nagsagawa ng ugnayan sa San Andres, Quezon

Lucena City (3 November) - - Umaabot sa humigit kumulang sa 1,000 residente ng 11 sitio sa Brgy Talisay ang dumalo noong ika- 27 ng Oktubre sa idinaos na Ugnayan sa Barangay ng 74th Infantry Batallion at ng Philippine National Police (PNP).

Isinagawa ang Ugnayan sa Talisay Elementary School, Brgy Talisay San Andres, Quezon. Layunin ng mga sundalo at pulis na bigyan ng linaw ang nangyaring pananambang sa mga pulis at sunod-sunod na engkuwentro ng mga sundalo laban sa teroristang NPA sa nasabing barangay.

Ang engkwentro na naganap noong ika -24 ng Oktubre ay nagresulta sa pagkamatay ng isang lider ng NPA na nakilalang si Arson Ilao alyas RY. Ayon sa asawa ni Ilao na si Wilma, sila ay matagal nang naninirahan sa Brgy Tagbakan Ibaba sa Catanauan,Quezon. Palagi umanong nagpapaalam si Arson na magtatatrabaho siya sa malayo at bihira na silang nagkikita .Dagdag pa ni Wilma, hindi niya umano alam kung anong trabahong pinasok ng asawa.

Dahil sa pangyayaring ito, napagpasyahan ng 74th Infantry Batallion sa pamumuno ni LTC Dennis C Perez, katuwang ang buong puwersa ng pulis ng San Andres ,Quezon at brgy Kapitan na si Rogelio Verdade na magkaroon ng Ugnayan sa Barangay sa pinangyarihan ng engkwentro upang maibsan ang takot at pangamba ng mga mamamayan doon. Naging tagapagsalita sa hanay ng pulis ang hepe ng Police Community Relation ng Quezon Provincial Police Office na si Police Chief Inspector Elmar B Sillador. Nilinaw niya ang mga problema sa barangay tungkol sa pag-iwas sa pagbibigay ng suporta sa mga makakaliwang grupo at ang kanilang kakahantungang kaso kung sakaling sila ay mapatunayan na nakikipagtulungan sa mga ito.

Ayon naman kay LTC Perez, ang buong puwersa ng sundalo ay patuloy na poprotektahan at igagalang ang kanilang karapatang pantao upang walang masaktang sibilyan o kaya madamay sa mga pangyayari. Nilinaw din niya na ang Army ay handa pa ring tanggapin ang sinumang rebelde na naghahangad na magbalik loob sa pamahalaan. (Solcom/PIA Calabarzon)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines