Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 April 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, November 09, 2010

 

Tagalog news: BIR walang naitatalang kaso ng tax evasion sa Sorsogon

SORSOGON PROVINCE – Nais magpasalamat ni Bureau of Internal Revenue ( BIR) Sorsogon District Officer Arturo Abenoja, Jr. sa mga Sorsoganon dahilan sa suportang ipinapakita nito sa larangan ng tax remittances.

Ayon kay Abenoja, sa nakalipas na ilang mga taon, wala silang naitatalang mga major cases ng tax evasion dito sa lalawigan.

Subalit hindi rin ikinaila ni Abenoja na may ilang mga negosyante at employers na nadedelay sa kanilang mga tax remittances ngunit nilinaw niyang hindi sila mga tax evaders sapagkat nababayaran pa rin ng mga ito ang kanilang obligasyon sa BIR nang hindi na nangangailangan pang padaanin sa mahabang proseso.

Samantala, sinabi ni Abenoja na mas pinagaganda pa ngayon ng BIR Sorsogon ang kanilang e-registry system upang higit pang mapabilis ang kanilang serbisyo sa kanilang mga kliyente.

”Sa katunayan ay humingi na kami ng karagdagang computer units upang mayroon kaming ekslusibong magagamit para sa aming electronic registry system kung saan mas madali naming natutukoy ang mga transaksyong idinudulog sa aming tanggapan,” pahayag ni Abenoja .

Inihayag din niyang sa kabila ng kakulangan nila sa staff, maayos pa ring naipatutupad ng kanilang tanggapan ang kanilang serbisyo partikular sa larangan ng tax collection.

Aniya dati ay mayroon silang 45 staff, subalit matapos ipatupad ang rationalization program ay naging 35 na lamang ito. Ang mga nagsipagretiro naman ay hindi na rin napalitan pa ng mga bagong empleyado dahilan sa freeze hiring program na ipinatupad ng pamahalaan.

Subalit, umaasa pa rin ang opisyal na hindi maglalaon ay madaragdagan pa ng labinglima ang kanilang staff nang sa gayon ay magkaroon ng tig-iisang tax collectors ang bawat bayan ng Sorsogon. (BARecebido, PIA Sorsogon/mal)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines