Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 April 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, November 22, 2010

 

Bagsakan center para sa mga agri products sa Ilokos

Ilocos Norte (Nobyembre 22) - Isang Bagsakan Center ang binuksan sa bayan ng Currimao sa lalawigan ng Ilocos Norte. Ang nasabing Bagsakan Center ay proyekto ng lokal na pamahalaan at ng Department of Agriculture (DA) para sa mga nais magtinda ng kanilang mga produktong pang-agrikultura.

Ang bayan ng Currimao ay isang coastal town at mayaman ito sa mga produktong nagmumula sa dagat. Marami din panananim ang bayan at ang One Town-One Product (OTOP) dito ay mga kakanin kagaya ng bibingka, tupig, cassava, malagkit, at iba pa.

Kung dati rati ay kinakailangan pang dalhin ang mga produkto sa ibang palengke sa mga karatig na bayan, ngayon ay sa Bagsakan Center na lang kinakailangan dalhin ang mga ito para sa mga mamimili at negosyante. Sa pamamagitan ng Bagsakan Center, mas magiging madali na din ang kalakalan para sa mga magsasaka, mangingisda at iba pa.

Kasama sa inilunsad na Bagsakan Center ay ang pagkakaroon ng isang ice plant kung saan maaaring iambak ang mga isda at iba pang produkto na nagmumula sa dagat upang mapanatili itong sariwa.

Dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Currimao sa pangunguna ni Alkalde Gladys Cue at opisyal ng DA ang pagbubukas ng nasabing Bagsakan Center.

Bukod sa mga bagsakan centers, ang iba pang mga proyekto ng DA ay mga irigasyon, pamimigay ng seedlings, farm equipments, financing, training at livelihood, pagtatayo ng farm to market roads at iba pa, hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa.

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines