Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 October 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Sunday, January 01, 2012

 

Tagalog News: Itaguyod ang kadakilaan ni Rizal para sa pagkakaisa at kaunlaran- Chavit

ni Ben P. Pacris

VIGAN CITY, Jan. 01 (PIA) -- Nanawagan si Gob . Luis “Chavit” Singson, pambansang pinuno ng League of Provinces of the Philippines, sa mga mamamayan na itaguyod ang kadakilaan at patriotismo ni Dr. Jose Rizal para sa pambansang pagkakaisa at kaunlaran

Ito ang binigyang-diin ni Gob. Singson sa paggunita ng ika-115 anibersaryo ng kamatayan ni Rizal na naganap sa harap ng kanyang monumento sa Plaza Salcedo sa Heritage City noong Disyembre 30. Ito ay dinaluhan ng mga kasapi ng Order of the Knights of Rizal at mga opisyal at empleyado ng pamahalaan.

“Mabisa at makabuluhan pa rin ang mga adhikaing sinimulan ng pambansang bayani bilang solusyon sa mga suliranin ng bansa,” sabi ni Singson.

Sa mensahe ni Gob. Chavit na binasa ni Vice-Gov. Deogracias Victor “DV” Savellano, sinabi niya na dahil sa kadakilaan ni Rizal bagama’t ginamit niya ang pluma bilang sandata sa kanyang rebolusyon tinuligsa niya ang mga abuso ng mga Kastila

Sa kanyang mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Felibusterismo,” ay itinuturing mga obra-maestra na makabuluhan pa rin sa makabagong panahon.

Inihayag din ni Bokal Jeremias Singson, Supreme Chancellor ng Order of the Knights of Rizal, na maitaguyod ang Rizalism Movement sa iba’t-ibang panig ng Ilokos para mapaigting ang makabayang adhikain ni Rizal.

Magaganap ang Knights of Rizal Northern Luzon Assembly sa Heritage City sa Enero 28, 2012 na dadaluhan ng mga Ilokanong Rizalista kabilang na ang mga tao na nais na ring lumahok bilang kasapi ng naturang organisasyon.

Sa nasabing selebrasyon ng kadakilaan ni Rizal, naipalabas ang pagsasadula ng makasaysayang pagkakabaril ni Rizal sa Bagumbayan sa pagsasadula ng mga estudyante ng University of Northern Philippines kabilang na ang mga makabayang awitin at sayaw ng mga estudyante at guro sa Ilocos Sur National High School , St. Paul College of Vigan at Divine Word College of Vigan. (ANL/BPP- PIA 1 Ilocos Sur)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines