Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 30 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 02, 2012

 

Tagalog News: Batas kontra paninigarilyo sa Nueva Vizcaya, umani ng positibong pagtanggap

ni Ben Moses Ebreo

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, January 2 (PIA) -- Umani ng positibong reaksiyon mula sa publiko ang batas na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa lalawigan, ayon sa isinagawang Social Weather Station (SWS) survey ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Dr. Maria Soledad Antonio, hepe ng legislative liaison division ng DOH sa lambak ng Cagayan, naging mataas ang porsiyento ng mga sumasang-ayon sa ‘Smoke-Free Ordinance’ ng lalawigan.

Lumabas sa naturang survey na isinagawa noong Agosto ng nakaraang taon na mataas na ang kaalaman ng mga Novo Vizcayanos sa nasabing batas.

Naitala ng nasabing survey na lumiit ang bilang ng mga taong nakakalanghap sa usok ng sigarilyo sa mga kainan mula 44 prosiyento noong 2010 hanggang 28 prosiyento na lamang sa 2011. Bumaba din ang mga bilang ng mga taong nakakalanghap ng usok sa sigarilyo sa mga pampublikong sasakyan mula 67 at naging 47 prosiyento na lamang, at ganoon din sa mga upisina ng pamahalaan mula 35 na naging 24 porsiyento na lamang.

Mataas na rin ang kaalaman ng mga Novo Vizcayanos hinggil sa masamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan at marami ang naniniwalang ito ya nakapagdudulot ng kanser sa baga-98 porsiyento, sakit sa puso -89 porsiyento, pagkasira ng utak– 75 porsiyento at hindi pagkabuo ng anak – 38 porsiyento.

Ipinakita rin ng survey na 62 porsiyento ng mga naninigarilyo ay nagplano nang tigilan ang bisyo sa loob ng 30 araw. May 74 porsiyento rin sa mga miyembro ng pamilya ang nakipag-usap sa kanilang mahal sa buhay na tigilan na ang paninigarilyo.

Naging mataas din ang suporta ng publiko sa ‘Smoke-Free Ordinance’ na nasa 94 porsiyento habang nasa 71 porsiyento ang naniniwala na malaki ang maitutulong ng nasabing batas sa kalusugan ng mga Novo Vizcayanos.

Ang nasabing batas ay nilagdaan noong Mayo 2010 ni Governor Luisa Cuaresma na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampulikong lugar at sasakyan.

Ang mga mahuhuling lalabag sa ordinansa ay papatungan ng P1,500 na multa sa unang opensa, P3,000 sa pangalawang opensa at P5,000 sa ikatlong opensa. Ipapatupad din ang community service o pagtratrabaho ng walang bayad sa mga hindi makakabayad sa multa.(TCB/BME/PIA Nueva Vizcaya)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines