Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 18 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 02, 2012

 

Tagalog news: 'Social protection programs' ng DSWD mas pai-igtingin ngayong 2012

ni Lito Dar

BAGUIO CITY, Jan. 2 (PIA) -- Mas maigting na pagpapatupad at pagsasama-sama ng mga programang "social protection" ng gobyerno ang naghihintay sa mga mahihirap na pamilya, mga bata, matatanda at mga kababaihan sa bansa ngayon 2012.

Ito ang inihayag ni Social Welfare Secretary Corazon ‘Dinky’ Soliman sa isang panayam sa isang lokal na istasyon ng radyo sa kanyang pagbisita dito sa siyudad noong Biyernes.

“Humaharap po tayo sa taong 2012 na buo ang pag-asa na ang ating iba’t-ibang programa - ang pagpapanatili ng mga bata sa eskuwelahan at ng kanilang malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) at sa pagseseguro na ang bawat Pilipino ay kasama sa desisyon ng kaunlaran ng kanilang pamayanan sa ilalim ng programang KALAHI-CIDDS (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services) at sa pagsisiguro na ang kaunlarang nakamit ay tuloy-tuloy sa pamamagitan ng sustainable livelihood program ay ating pagsasama-samahan at pagkakaisahan ng sa ganon ay wala pong maiwan sa ating landas na tuwid tungo sa kaunlaran,” pahayag ni Soliman.

Ayon kay Soliman, nakatakdang magdagdag ang 4Ps ng 700,000 pa na mahihirap na pamilya, mula sa iba’t-ibang panig ng bansa upang sa taong ito ay aabot na sa tatlong milyong pamilya ang mabibiyayaan ng naturang programa.

Maliban dito, inihayag din Soliman na sa pakiki-isa ng Millenium Challenge, World Bank at ng Development Bank of the Philippines na pumapasok na din sa programa, nakatakda rin na i-expand ng DSWD ang KALAHI-CIDDS sa ibang mga lugar sa bansa kung saan may mga benepisyaryo ng 4Ps.

Ayon pa kay Soliman, pasisiglahin din ng gobyerno ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng ‘sustainable livelihood’ sa pamamagitan ng ‘Community Driven Enterprise Development’ at ‘guaranteed employment’ kung saan na sa mga programa ng pamahalaan ay kukunin din ang lakas paggawa o laborer sa mga pamilya sa 4Ps.

“Palalakasin din po natin iyung social protection services natin, lalong-lalo sa social pension fund, Juvenile Justice Welfare Act at sa iba pang mga usapin, upang lalong siguraduhin na ang mga karapatan at kapakanan ng mga bata, matatanda at kababaihan ay mapo-ptroteksiyunan”, dagdag ni Soliman.

Kabilang sa mga plano ng DSWD na inihayag ni Soliman ang paglalagay ng karagdagang benepisyaryo ng ‘social pension program’ ng gobyerno, kung saan binibigyan ng P500 tulong kada buwan ang mga mahihirap na senior citizen sa bansa, sa tulong ng P1 bilyong pondo na inilaan ng Lehislatura para sa naturang programa.

Plano din umano ng DSWD na ibaba sa 70 years old, ang kasalukuyang 77 years old at pataas na mga senior citizen na siyang benepisyaryo ng naturang programa.

Kasabay ng pagbati ni Soliman ng ‘Manigong Bagong Taon’ sa publiko, muli din niyang hinimok ang lahat na minsan pa ay huwag tayong mawalan ng pag-asa, at tuloy-tuloy at sama-sama nating tahakin ang matuwid na daan tungo sa kaunlaran. (LD/PIA CAR)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines