Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 October 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 02, 2012

 

Tagalog News: Pilipinas bumabangon mula katiwalian, kahirapan

ni Domingo B. Natividad V

LUNGSOD NG QUEZON, Enero 2 (PIA) -- Sa kanyang mensahe sa bayan sa gabi ng pagpalit ng taon, inihayag ni Presidente Benigno S. Aquino III na sa loob ng isa at kalahating taon ng kanyang administrasyon, “nakikita na natin ang pagbangon ng bansa mula sa malubhang katiwalian at kahirapan.”

Masayang ibinalita ni PNoy na, “unti-unti na tayong nagtatagumpay sa mga problemang ating dinatnan.” Ayon pa sa kaniya, naibababa na ang ganansiya ng ‘matuwid na daan’ sa mga mahihirap at “hindi lamang ng mga mayayaman at makapangyarihan.”

Dagdag pa ni PNoy, kasabay ng pagtamasa sa mga bunga ng reporma, ang mamamayan ngayon ay may maalab na sigla at pag-asa, mataas na kumpiyansa, at may malawak at mas maraming oportunidad.

Sa taong 2012, hinangad ng Pangulo na ito ay hindi lamang pagpapatuloy ng naumpisahang reporma, kundi panahon din nang, “mabilis pang pagbabago.”

Pinasalamatan ng Pangulo ang sambayanan sa patuloy nitong suporta at pagtitiwala sa kaniyang pamamahal.

“Manalig po kayong hindi kailanman kukupas ang matingkad nating hangarin na umasenso ang Pilipinas at ang mga Pilipino,” pahayag niya.

Pangako pa ni PNoy, “hindi tayo patitisod sa mga nais umagrabiyado sa mga Pilipino.” (RJB/ DBNV/ PIA-NCR)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines