Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 23 March 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 02, 2012

 

Tagalog News: “Iwas Paputok” nagresulta ng zero casualty sa Sorsogon ... pagdiriwang ng Bagong Taon matiwasay

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 2 (PIA) –- Matagumpay sa kabuuan ang naging kampanya ng mga awtoridad sa iwas paputok o ang kampanyang “Aksyon: Paputok Injury Reduction” sa lalawigan ng Sorsogon.

Ito ay matapos na makapagtala ng zero casualty ang lalawigan kaugnay ng paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Naging kapansin-pansin din ang limitadong bilang ng mga taong nagpaputok at makikita ding nakuntento na ang Sorsoganon na manood na lamang sa mga community fireworks display na pinangunahan ng mga local government unit (LGU) sa kani-kanilang mga lugar.

Taliwas naman sa naging karanasan noong araw ng pasko kung saan naging mahangin at maulan; ngayon, naging maganda ang lagay ng panahon mula noong huling araw ng 2011 hanggang sa kasalukuyan kung kaya’t mas naging kampante at masaya ang pagdiriwang ng bagong taon ng mga residente.

Sa mga ipinaabot namang ulat ng iba’t-ibang mga ahensya ng pamahalaan, nagkakaisa ang mga ito sa kanilang pagtatasa na naging matiwasay ang ginawang pagsalubong ng mga taga-Sorsogon ng Bagong Taon.

Maging ang Bureau of Fire Protection ay wala ding naiulat na mga insidente ng sunog sa buong lalawigan sa nakalipas na selebrasyon.

Nagpasalamat naman sa mga Sorsoganon ang pamunuan ng Philippine National Police dito sa pakikiisa nito sa kanilang kampanya na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng pagdiriwang ng Bagong Taon dahilan upang wala silang maitalang mga malalaking krimen kaugnay ng selebrasyon.

Subalit hindi naman ikinaila ni Sorsogon City police chief PSupt Edgardo Ardales ang kanyang pagkalungkot na sa kabila ng kanilang pinaigting na kampanya ay may isang kaso silang naitala na nabiktima ng ligaw na bala sa Brgy. Gimaloto, West District, Sorsogon City kaugnay ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Matatandaang una nang itinaas ng PNP ang full alert status at bago pa man dumating ang selebrasyon ng Pasko ay tiniyak na rin nilang nasilyuhan na nila ang mga baril ng mga kapulisan upang maiwasan ang ganitong mga pangyayaring maaaring magsangkot sa kanilang hanay at nagtalaga rin sila ng mga dagdag na tauhan upang matiyak ang seguridad ng komunidad sa buong lalawigan.

Sa ngayon ay nananatili pa ring blangko ang PNP kung sino ang responsable sa pagpapaputok ng baril subalit tiniyak ng Sorsogon City Police na patuloy nilang iimbestigahan ito upang papanagutin ang sinumang lumabag sa batas.

Samantala, nanawagan naman ang simbahang katoliko sa pamamagitan ni Sorsogon Bishop Arturo M. Bastes sa mga mananampalataya na higit na maging malapit sa Panginoon at huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga nararanasang pagsubok.

Sinabi din ng Obispo sa kanyang mensahe sa isinagawang New Year’s Eve mass 8:00 p.m. noong huling araw ng Disyembre 2011 na salubungin ang taong 2012 na puno ng pagmamahalan at pagkakaisa sapagkat ito umano ang magsisilbing buklod upang makamit ang kapayapaan sa puso ng bawat isa. (MAL/BAR-PIA Sorsogon)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines