Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 25 July 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

 

Tagalog news: 7 katao sa Nueva Vizcaya, sugatan sa paputok ng bagong taon

ni Ben Moses Ebreo

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, January 3(PIA) -– Sugatan ang pitong katao dahil sa paggamit ng mga paputok sa selebrasyon ng bagong taon sa lalawigan.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Ramel Pilada, 33 taong gulang; Dominador Soriano, 39; at Rommel Soriano, 33 na pawang mula sa bayan ng Solano. Biktima din sina Ernesto Baya, Jr, 7 at Paul Adrian Umali, 6 na mula sa bayan ng Dupax del Sur at sina Reynante Reyes, 21 at Jayson Mawili, 4, mula sa Dupax del Norte.

Ayon kay Police Senior Supt. Elmer Beltejar, hepe ng Philippine National Police(PNP) dito, ang mga biktima ay nagtamo ng pawang mga sugat sa kanilang daliri dahil sa paggamit at epekto ng paputok noong selebrasyon ng bagong taon sa iba’t-ibang bayan.

Bagama’t bumaba ang bilang ng mga naging biktima ng paputok sa lalawigan kumpara noong taong 2010 na nasa mahigit 10, wala din umanong naging biktima ng ligaw na bala dahil sa mahigpit nilang kampanya rito.

Ayon naman kay Dr. Edwin Galapon, hepe ng Nueva Vizcaya Provincial Hospital(NVPH), pababa ng pababa ang bilang ng mga biktima ng paputok sa loob ng nakaraang tatlong taon dahil sa mahigpit at malawakang kampanya nito sa ‘Iwas paputok’ na programa ng Department of Health(DOH).

Umaasa si Galapon na magiging mababa pa ang bilang ng mga biktima ng mga paputok sa mga susunod na taon dahil sa kanilang kampanya sa panganib na maidudulot nito sa kalusugan at buhay ng tao.

Naging malaking tulong din ang pagpapatrol ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection(BFP) dahil halos wala nang nagsunog ng mga gulong at iba pang gamit sa mga daan habang ang iba naman ay nakabantay sa mga itinalagang lugar para sa mga nagbebenta ng mga paputok o pyrotechnic zones sa mga palengke ng 15 bayan dito.(TCB/BME//PIA 2-Nueva Vizcaya)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines