Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 August 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

 

Tagalog News: Reporma sa SK, isinusulong ng NYC

ni Jerome Carlo R. Paunan

QUEZON CITY, Jan. 3 (PIA) -- Patuloy na isinusulong ng National Youth Commission ang pagreporma sa Kabataan (SK) sa bansa, ayon kay NYC Chairperson Leon Flores.

Sa programang Talking Points na ginanap sa Philippine Information Agency, sinabi Usec. Flores na hindi abolisyon ng SK, kundi reporma sa kasalukuyang batas na umiiral ukol dito, ang isinusulong ng kanilang hanay.

Ang sistema ng SK ay nilikha sa ilalim ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991. Nais nitong gawing sanayan o "training ground" ang SK para sa mga kabataang nagnanais maging lider ng bansa sa hinaharap.

Ayon kay Flores, isinusulong ng NYC position paper na kanilang isinumite sa Kongreso kamakailan, na mahadlangan ang isyu ng kurapsyon at maduming pamamahala na sumisira sa magandang sistema ng SK.

Una rito, aniya, ang panukalang baguhin ang edad ng paglahok ng mga kabataan sa SK Barangay election mula 18-25 taong gulang, hindi tulad ng umiiral ngayon na 15-17 anyos lamang.

Sinabi ng opisyal na bagama't hindi matatawaran ang kakayahan ng ilang SK official sa pagganap sa kanilang tungkulin sa kabila nang kanilang murang edad, mas malamang daw na madaling maimpluwensyahan ang mga ito ng mga pulitiko sa kanilang lugar.

"In fairness sa batch na ito ng SK ang dami pong magagaling... but overall, kailangan pa rin nating ilagay ang structural reform sa SK, kasama na 'yung age," giit ni Flores.

Bukod dito, nais din daw palakasin ng kumisyon ang financial autonomy ng mga SK upang hindi na lamang basta aasa ang mga ito sa kanilang punong barangay para sa kanilang badyet.

Gayundin, kailangan aniya na maglagay ng mekanismo para sa accountability ng mga SK sakaling magkaroon na ang mga ito ng fiscal autonomy upang matiyak na magiging responsable ang mga batang opisyal sa paggamit ng kanilang pondo. (RJB/JCP-PIA NCR)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines