Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 August 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

 

Tagalog News: Pamahalaan prayoridad din ang kalusugan ng mga may edad

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 3 (PIA) - Sa patuloy na pabago-bagong panahon, pag-uulan, at malamig na klima hanggang sa kasalukuyan, nais makatiyak ng mga opisyal ng kalusugan sa Sorsogon na mapapangalagaan hindi lamang ang kalusugan ng mga bata kundi maging ng mga senior citizens rin sa bawat komunidad.

Kaugnay nito, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Sorsogon at ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) nagsasagawa ngayon ang nasabing mga ahensya ng pagbabakuna sa matatandang residente upang makaiwas ito sa mga mas malalang mga sakit lalo nat sa tala ng Provincial Health Office ay mataas din ang bilang ng mga may edad na isinusugod sa ospital dahilan sa mga sakit na dala ng pabago-bagong klima.

Ayon kay assistant provincial health officer Dr. Liduvina Dorion, matatanda man ay may mga karapatan din itong dapat na mabigyang pansin hindi lamang ng pamahalaan kundi maging ng kanila ding mga kaanak.

Ang mga senior citizen umano ay kabilang sa mga vulnerable group ng komunidad lalo yaong mga walang kakayahang maipagamot ang kanilang mga sarili dahilan na rin sa kahirapan.

Sinabi din ni Dorion na inabisuhan na rin niya ang lahat ng mga barangay health workers sa lalawigan na sabihan ang mga opisyal sa barangay partikular ang mga kapitan sa barangay na mayroon ng mga nakahandang flu vaccine o bakuna ang DOH para sa mahihirap na mga senior citizen.

Mas mainam umanong maagapan na sa lalong madaling panahon sa kabila ng edad ng mga ito at mapabakunahan ng flu vaccine nang sa gayon ay maging malakas ang resistensya nito laban sa mga sakit tulad ng trangkaso, sipon, ubo at pulmonya na kadalasang nararanasan ng mga lolo at lola. (MAL/BARecebido, PIA Sorsogon)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines