Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 30 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

 

Tagalog news: Selyo sa bunganga ng baril ng mga pulis inalis na kahapon

KORONADAL CITY, Enero 3 (PIA) - Ipinagmamalaki ni P/SSupt. Randolph Delfin na walang pulis sa kanyang nasasakupang South Cotabato Police Provincial Office (SCPPO) ang nagpaputok ng kanilang service firearm sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon.

Kahapon, sinabayan ng SCPPO ang iba pang provincial police commands at mga city at municipal police stations sa buong rehiyon ang seremonya sa pagtanggal ng mga selyo sa bunganga ng mga service firearms ng lahat ng pulis.

Matatandaang noong Disyembre 27 isinagawa ang magkasabay na muzzle taping ng mga baril ng pulis alinsunod sa panuntunang nagbabawal sa lahat ng pulis na magpaputok ng kanilang service firearm sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Bago pa ang isinagawang pagselyo ng mga baril, mahigpit umano niyang pinaalalahanan ang mga miyembro police provincial command na pananagutin sa batas ang sinumang pulis na magpapaputok.

Sa kanyang pagtataya, naging mapayapa at matiwasay ang pagsalubong ng taon sa buong lalawigan, maliban lamang sa ilang insidente ng aksidente sa daan at ilang naputukan ng firecracker.

Samantala, batay sa ulat ng Department of Health walang kahit isang insidente ng biktima ng stray bullet sa buong lalawigan ng South Cotabato at maging sa buong Rehiyon simula noong Pasko hanggang sa pagpasok ng Bagong Taon. (DEDoguiles/PIA 12)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines