Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 26 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

 

Tagalog news: Or. Mindoro nagpaabot ng tulong sa mga biktima ni Sendong

noi Louie T. Cueto

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Enero 3 (PIA) - Kalahating milyon piso ang ipagkakaloob ng lalawigan para sa mga bikitima ng 'Sendong' kasabay ng pag-apruba ng sangguniang panlalawigan ng dalawang resolusyun ukol rito.

Sa sesyon ng sanggunian na pinangunahan ni Bise Gob. Humerlito A. Dolor noong Disyembre 20, naipasa ang SP Resolution No. 1401-2011 na nagpapahintulot kay Gov. Alfonso V. Umali, Jr. na ibahagi ang kalahating milyong piso limang porsyento ng badyet para sa Disaster Risk Reduction and Management Fund bilang tulong sa mga nasalanta ni Sendong sa Cagayan De Oro at Iligan City.

Sa SP Resolution No. 1402-2011, ipinaabot naman ng lalawigan ang taimitim na pakikiramay sa mga biktima ng bagyo. Sinabi ni Dolor na maituturing na mapalad ang lalawigan dahil hindi ito naapektuhan ng mga nagdaang bagyo sa bansa.

Aniya, ngayon ay panahon ng sama-samang pagdadalamhati at pagkakaisa upang tulungan at bigyan ng kinakailangang pagsuporta ang mga nasalanta.

Ang mga nagaganap aniyang mga kalamidad sa bansa ay dapat magsilbing paalala sa mamamayan ukol sa kahalagahan ng pag-aalaga sa kalikasan.

Si Sendong ay nanalasa sa bansa noong Disyembre 15 at nakaapekto sa 13 lalawigan, walong lungsod, 31 munisipalidad na may 319 barangay. Sa kasalukuyan, mahigit na 1,000 ang naitalang nasawi habang 67,000 pamilya naman ang apektado ng trahedya.

Batid ng mga namumuno sa lalawigan ang halaga ng anumang tulong o suportang maaring ipaabot sa mga biktima ng bagyo para maibsan ng bahagya ang hirap na dinaranas ng mga biktima ni Sendong at makabangon ang mga ito mula sa kanilang mga pinsalang natamo. (LBR/LTC.PIA Region4-B/Calapan)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines