Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 30 April 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

 

Tagalog news: Pinakamahihirap sa mga mahihirap, puntirya ng pamahalaang lungsod ng Vigan sa 2012

by Ben P. Pacris

VIGAN CITY, Jan. 04 (PIA) -– Bilang tugon sa Millennium Development Goals, puntirya ng pamahalaang lungsod ng Vigan na tulungan ang mga itinuturing na pinakamahihirap sa mga mahihirap para mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Ayon kay Mayor Eva Marie Singson – Medina, pinipili na ng City Social Welfare and Development Office ang 10 pinakamahirap na pamilya sa bawat barangay para matulungan ng pamahalaan.

Tulad noong 2011, sinabi ni Mayor Medina na ang mga pinakamahihirap sa mga mahihirap sa mga 39 barangays ng lungsod ay napagkalooban ng proyektong pangkabuhayan at puhunan sa kanilang mga maliliit na negosyo.

“Nasanay sila sa mga skills training sa hair dressing, pagluluto, pamamahala ng mga maliliit na negosyo, at iba pang maari nilang pakinabangan,” idinagdag ng Alkalde.

Sinabi ng Mayor na tutukan ng kanyang administrasyon sa 2012 ang programang mag-aangat ng kahirapan para mabawasan ang bilang ng mga mahihirap na kababayan.

“Sana sa 2013, maraming mahihirap na pamilya ang uunlad na rin ng kanilang pamumuhay sa Vigan kaya dito sa Heritage City bawal ang tamad,” idiniin ng dating Bokal sa unang distrito sa press conference kamakailan.

Samantala, inihayag ni Vice- Mayor Lourdes “Lulu” Baquiran na suportado ng konseho ang mga programa para sa mahihirap na ipinapatupad ni Mayor Medina dahil ito rin ang puntirya ng mga Konsehal, ang pagpapaunlad ng mga maliliit at di-gaanong kalakihang negosyo para makalikha ng trabaho na magpapalakas sa ekonomiya ng siyudad.

Sa taong ito, sinabi ng bise-alkalde, na maipapatupad na ang inaprobahan nilang Health Code, Tourism Code at Zoning Code na makakatulong sa pamumuhay ng mga Biguenos lalo na sa larangan ng eco-tourism at kalusugan. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines