Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 24 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

 

Tagalog news: Pagsasaayos ng kakalsadahan sa Silangang bahagi ng Ilocos, senyales ng pag-unlad Norte

ni Miriam P. Aquino

SAN FERNANDO CITY, La Union, Enero 4 (PIA) - Ang kasalukuyang pagsasaayos at pagpapabago na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga kalsada sa mga bayan ng San Nicolas, Dingaras, Solsona sa lalawigan ng Ilocos Norte ay magpapaikli sa oras ng biyahe ng sinumang magagawi sa may Silangang bahagi ng naturang lalawigan.

Sinabi ni Direktor Veniedo O. Reyes ng DPWH Region 1 na ang proyektong ito na pinondohan ng halagang P117,660,955.80 ay inumpisahan noong ika-11 ng Agosto ng nakaraang taon at napipintong matapos ngayong buwan ng Agosto ngayong taong kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng sistemang pagpapanatili, pagsasaayos at pagmamantina ng mga konkreto at aspaltadong kalsada o Pavement Management System/Highway Development and Management, mas magiging mabilis ang transportasyon at makakatulong upang mapabuti at mapaunlad ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa naturang probinsiya.

Tinuran din ni Reyes na kabilang sa ginagawang pagsasaayos ay ang pagtatayo ng Portland Cement Concrete Pavement (PCCP) o ang konkretong kalsadang yari sa sementong Portland na may kaukulang proteksiyon sa gilid at kanal na sementado, kabilang na rin ang mababang pader na magsisilbing proteksiyon sa magkabilang gilid sa bayan ng Solsona.

Ang ginagawa namang pagsasaayos sa San Nicolas at Dingras ay ang konkretong gilid o shoulder at kalsadang pina-ibabawan ng aspalto.

Itong proyektong ito, ani Reyes ay kabilang sa pampitong bahagi ng ginagawang kalsada ng Ilocos Norte Apayao na napapaloob sa kilometrong (km) 487+288.40 hanggang sa km 526+791 na nagsisimula sa bayan ng San Nicolas patungong Silangan na dadaan sa mga bayan ng Dingras at Solsona. (ANL/MPA-PIA 1 La Union)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines