Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 July 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

 

Tagalog news: Pagsasanay sa mga taga-pagpatupad ng batas na nagbabawal ng paninigarilyo isinagawa

by David M. Suyao

AGUSAN DEL SUR, Jan. 4 (PIA) -- Isinagawa kamakailan ang isang pagsasanay sa mga taga-pagpatupad ng batas na nagbababawal ng paninigarilyo sa bayan ng Esperanza sa kanilang pagsisikap na matigil ang paninigarilyo sa buong bayan.

Kilala ang Esperanza sa pagiging kampeon sa buong lalawigan at sa buong rehiyon ng Caraga dahil sa kanilang programa sa pag-alaga at pagtanggol laban sa anumang abuso na ginagawa sa kapaligiran lalo na sa tinatawag na Ecological Solid Waste Management Program (ESWMP).

Sa naturang pagsasanay, tinalakay rin ang Ordinansa Blng. 113-2011 na pinamagatang “The Comprehensive Anti-Smoking Ordinance of Esperanza, Agusan del Sur” ni Bise Mayor Apolonio Layugan.

Ayon kay Bise Mayor Layugan, sinasakop ng ordinansang ito ang kahit sinong naninigarilyo o pinapayagan ang paninigarilyo sa mga pampublikong sasakyan, mga sasakyang pag-aari ng pamahalaan, mga bahay aliwan, pampublikong gusali at lugar, at lahat ng saradong lugar na nasa labas ng pribadong bahay, pribadong lugar na pinagtatrabahuhan na matatagpuan sa loob ng bayan ng Esperanza.

Dagdag pa ni Layugan, isinasali rin sa ordinansang ito ang pagbebenta ng sigarilyo ng mga menor de edad, ang pag-aadvertise ng ano mang uri ng sigarilyo at paglagay o pang pamumudmod ng mga propagandang bagay na may kaugnayan sa sigarilyo.

Ang 100 porsyentong pagsali ng mga barangay kapitan sa naturang pagsasanay kasama ang na organisang Municipal Task Force ay nagpalakas sa mga namumuno at mga kinilalang kasali rito para sa pag patupad ng mga batas na nagtatanggol ng kapaligiran at malusog na pamumuhay.

Naisagawa ang pagsasanay na ito sa pagsisikap ng Municipal Health Office kasama ang Sangguniang Bayan Office at sa tulong ni Delma Legaspi isang nurse na coordinator ng Healthy Lifestyle ng Department of Health, Caraga Region. (PIA-Caraga)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines