Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 26 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

 

Tagalog News: Palengke sa Marikina mayroon ng cold chain facilities

MARIKINA CITY, Enero 4 (PIA) -- Ibinigay kamakalawa sa isang simpleng turn-over ceremony ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) at ng Department of Agriculture ang dalawang cold storage reefer van sa lokal na pamaahalaan ng Marikina para sa kanilang pampublikong mga palengke.

Labis namang ikinatuwa ni Marikina City Mayor Del de Guzman ang ibinigay dahil sa malaking tulong na maibibigay nito sa mga nagtitinda ng isda at karne at maging sa mga mamimili.

“Tayo ay natutuwa dahil nabigyan tayo ng ganitong klaseng pasilidad na malaking tulong at kaginhawaan sa mga nagtitinda at maging sa mga mamimili. Hindi na sila mahihirapan pang mag-imbak ng kanilang mga produkto at mapapanatili pa nila ng magandang kalidad ng mga ito, bukod pa mababang storage fee,” wika ni Mayor Del.

Ang Marikina ang kauna-unahang local government unit sa Metro Manila na nagkaroon ng cold storage facility sa loob ng pampublikong pamilihan.

May kapasidad na isang tonelada ang bawat reefer van at maaaring gamitin ito ng abot sa 320 na mga nagtitinda ng isda at baboy sa mga pampublikong pamilihan at maging ang mga nasa market zone ng lungsod.

"Nagsimula na tayo sa pag-iimbak ng mga karne noong ika-20 ng Disyembre 2011. Sa ngayon ay patuloy tayo sa pag-aaral kung paano natin mas mapapaganda ang serbisyo na ating maibibigay sa pamamagitan ng cold storage na ito," wika ni Dr. Ramonito Viliran, ang market administrator.

Sa kasalukuyan, mga karne lamang ang maaaring ilagay sa nasabing pasilidad sa halagang P2.00 bawat kilo kada araw bilang storage fee. Ito ay alinsunod sa Ordinansa bilang 64, Serye ng 2011 na nagbibigay pahintulot sa Marikina Public Market na maningil ng storage fee.

Ang reefer van ay may lamig na -10 hanggang -12 degree Celsius kaya’t malaking tulong upang mapanatili ang kalidad at mas tumagal pa ang mga karne. Nakakatulong din ito upang mapanatiling mababa ang singil sa pag-aangkat ng mga karne dahil maaari nang imbakin ng mga nagtitinda ang mga sobrang karne na hindi naibenta sa buong araw. Maiiwasan na rin ang mishandling ng mga imported frozen meats.

Inaasahang sa susunod na dalawa o tatlong buwan ay maaari na ring makapaglagay ng mga isda sa naturang cold storage facility.

Matatagpuan ang cold storage facility sa wet market section ng pamilihang lungsod na nasa panulukan ng E. Dela Paz Street at Kapitan Venciong Street.

Para sa mga katanungan hinggil sa pasilidad na ito, mangyaring tumawag sa Marikina Public Market Office sa telepono bilang (02) 646-1996.# (PIA-NCR/MARIKINA PIO/RJB/LFB

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines