Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 26 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

 

Tagalog news: Mga batang atleta ng Antipolo, pinarangalan sa husay sa iba’t ibang ‘sports discipline’

ANTIPOLO CITY, Rizal, Enero 5 (PIA) -- Muling ipinakita ng mga batang Antipoleño ang kanilang husay sa iba’t ibang ‘sports discipline’ nang maghakot ng mga medalyang ginto sa katatapos na “Batang Pinoy” national championship na ginanap sa Naga City, Camarines Sur.

Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa pangunguna ni Mayor Nilo Leyble ang mga mahuhusay na atleta na nagbigay karangalan sa lungsod.

“Isa na namang malaking karangalan para sa ating lungsod ang dala ng ating mahuhusay na mga kabataan. Nagkamit sila ng medalyang ginto sa Batang Pinoy Championship at dito ipinakita nila ang kanilang husay sa larangan ng iba’t ibang palaro at nakikilala hindi lamang dito sa ating lungsod kundi sa buong Pilipinas. Kaya mabuhay kayo at patuloy naming ibibigay ang suporta para sa inyong tagumpay,” sabi ni Leyble.

Bago ito, nagkaroon muna ng labanan sa regional level ng mga Batang Pinoy kung saan ginanap sa Sta Cruz, Laguna. Maraming delegasyon mula sa Antipolo ang naging panlaban sa national level kabilang ang mga atleta para sa athletics, swimming, gymnastic, badminton at taekwondo.

Pinangunahan ni Dustine Jorell De Vera, athletics, ang pagkopo ng mga ginto sa 100, 200 at 400 meter dash. Siya rin ang nanguna sa 4x100 meter relay at nakakuha ng bronze sa 4x400 relay. Sa swimming, nakakuha ng gintong medalya sa individual medley, silver sa 200 freestyle at silver sa 50 butterfly si Jose Mari Sebastian Arcilla ng St. Claire Montessori. Nakakuha naman si Yuri Ilustre ng bronze sa 100 breastroke.

Naghari naman si Dominique Jeanne Claire Indon ng Pleasant Mount School sa gymnastic kung saan nakuha niya ang medalyang ginto sa invidual women’s compulsory at tinanghal na Most Outstanding Performer in Aerobic Gymnastics. Tulad ng inaasahan ang pambato ng Antipolo sa larong badminton na si Eleanor Christine Inlayo ang nagkampeon sa singles category girls division.

Sa larong taekwondo, hindi nagpahuli ang mga Batang Antipoleño na humakot ng dalawang ginto sa regional level. Pumangatlo si Claire Cabog ng San Isidro National High School sa 45 kg at si Louie Santiago ng Saint James Community School na pumangatlo rin sa national level sa 50 kg. Mas matindi ang kanilang mga nakalaban sa national level pero nanatili pa rin silang palaban.

Sinamahan sila ng staff ng City Youth and Sports Development Office na sina Rey Rivera at Julio Ortiz. Inaasahang pagkakalooban sila ng incentives ng pamahalaang lungsod ng Antipolo dahil sa husay na ipinakita nila sa regional at national competitions.

Buong pagmamalaki na pinapakilala ni Mayor Nilo Leyble, Vice Mayor Susan Garcia Say at Sangguniang Panlungsod ang mga Batang Antipoleño na naghakot ng medalya sa katatapos na Batang Pinoy championship national level na ginanap sa Naga City, Camarines Sur kamakailan. (PIO-Antipolo/CPG, PIA4A)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines