Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 August 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

 

Tagalog News: Ordinansa kaugnay sa paggamit ng mga paputok iminumungkahi

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 5 (PIA) -- Malaki ang naging pasasalamat ni Sorsogon City Police Chief PSupt Edgardo Ardales sa publiko sa naging positibong pagtugon nito upang maging matagumpay ang kampanya laban sa paggamit ng paputok noong nakaraang selebrasyon ng Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni Ardales na kahit wala silang naitalang kaso ng mga naputukan sa buong lalawigan, hindi pa rin nakatitiyak na sa mga susunod na pagdiriwang ay mapapanatili ang ganitong malinis na rekord.

Kaugnay nito, sinabi niyang dapat na magkaroon ng mas malinaw at komprehensibong mga patakaran upang tuluyang maisabuhay ng mga Sorsoganon ang pag-iwas sa paggamit ng paputok sa mga panahong may pagdiriwang tulad ng Pasko at Bagong Taon.

Aminado ang opisyal na ang pagpapaputok ay bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino subalit mas dapat umanong iprayoridad ang kaligtasan ng buhay ng bawat isa.

Pinaboran din ni Ardales ang ginawang istratehiya ng lokal na pamahalaan ng Davao kung saan nagpatupad ito ng total ban sa paggamit ng mga paputok doon.

Nais umano niyang matularan ang sistemang ito kung kaya’t iminumungkahi niya sa mga lokal na mambabatas sa lungsod ng Sorsogon na magpasa ng resolusyon o magkaroon ng ordinansa kaugnay ng total ban sa mga paputok at pagpapaputok.

Aniya, mas maganda ring magkaroon ng batas pambansa ukol sa paggamit ng mga paputok na maisasakatuparan sa pamamagitan ng legislative branch ng national government. (MAL/BAR, PIA Sorsogon)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines