Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 30 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

 

Tagalog News: 2,000 estudyante ng ika limang distrito ng CamSur, makikinabang sa scholarship program

ni Danilo C. Abad

NAGA CITY, Enero 6 (PIA) -- Halos 2,000 estudyante ang makikinabang sa scholarship program ni Cong. Salvio Fortuno, kinatawan ng ikalimang distrito ng Camarines Sur sa Rinconada Area ngayong school year 2012-2013 na may nakalaang P6 milyon pondo para sa edukasyon ng mga kabataaan.

Ayon kay Fortuno, prayoridad niya na madagdagan ang pondo sa edukasyon ng kanyang mga kanyang nasasakupan dahil mahalaga ang kinabukasan ng mga kabataan na matulungan sa pag-aaral lalong-lalo na ang mahihirap na estudyante na makatapos sa kolehiyo.

Ayon pa kay Fortuno, maraming estudyante sa kanyang distrito ang mabibigyan ng scholarhip para sa school year 2012-2013. Mula kasi sa dating 200 na bilang ng estudyante ay aabutin sa 2,000 mag-aaral ang mabibigyan ng pagkakataong makapag aral ngayong taon.

Kaugnay sa pagdagdag ng pondo sa kanyang mga programa, ipinahayag rin ni Cong. Salvio Fortuno na lumaki rin ang pondo sa hospitalization program ng kanyang mga konstitwentes sa Bicol Medical Center sa Naga City maging sa Philippine General Hospital, Philippine Heart Center sa Metro Manila.

Samantala, suportado rin ni Fortuno ang kampania kontra sa iligal na pangingisda sa kanyang distrito lalo na sa mga bayan ng Bato, Balatan, at Bula, Camarines Sur. Lumagda rin siya sa isang memorandum of understanding kasama ang tatlong alkalde ng mga naturang bayan, kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at mga lider ng sector.

Idinagdag pa ni Fortuno na kailangan magkaisa ang mga mamamayan at palakasin ang kampanya laban sa mga iligal na pangingisda upang maprotektahan ang hanapbuhay ng mga maliliit na mangingisda sa kanyang distrito.

Si Fortuno ang chairman ng House committee on Bicol Recovery and Economic Development sa kongreso. (MAL/LSM/DCAbad-PIA-Camarines Sur)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines