Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 23 March 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

 

Tagalog News: DTI, positibo na magiging maganda ang takbo ng negosyo sa 2012

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 6 (PIA) - Positibo pa rin ang pamunuan ng DTI Sorsogon na mas magiging maganda ang bentahan at negosyo ngayong taong 2012 at mamamantini pa rin ang halaga ng mga bilihin o kung hindi man ay magkakaroon lamang ng kaunting pagtaas sa mga halaga nito.

Una ng nasubaybayan ng Department of Trade and Industry Sorsogon na naging matumal na bentahan sa mga groserya at palengke kahit mga produktong pang noche buena at iba pang mga produkto nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay DTI Sorsogon Consumer Welfare Desk chief Evelyn Paguio na maging siya mismo bilang kasama sa price monitoring task force at isang ina ay naobserbahan na ang ilang mga branded products na kadalasang hinahanap ng mga mamimili ay hindi na halos nakitang nakadisplay sa mga pangunahing tindahan ng groserya.

Aniya, mas pinili na lamang umano ng mga negosyante na huwag na lamang kumuha ng stock ng ilang mga produkto para sa nakaraang bagong taon dahilan na rin sa naranasan nilang mabagal ang takbo ng paninda noong kapaskuhan.

Halos mga bagong uri ng brand ang nakita sa mga groserya at palengke habang ilan din ang nagbagsak presyo at ginawang buy-one take-one ang ilang mga produkto mabili lamang ang mga ito.

Aniya, maliban sa talagang mahirap ang naging pagpasok ng pera nitong nakaraang okasyon, naging salik din ang pabago-bagong panahon dahilan upang halos ay tamarin na rin ang ilang mga residente na lumabas at mag-shopping.

Dagdag pa niyang may ilan ding naghayag na natatanggap pa lamang din nila ang kanilang Christmas incentives kung saan halos ay patapos o tapos na ang okasyon.

Subalit magkaganon man ay positibo pa rin ang pamunuan ng DTI Sorsogon na mas magiging maganda ang bentahan at negosyo ngayong taong 2012 at mamamantini pa rin ang halaga ng mga bilihin o kung hindi man ay magkakaroon lamang ng kaunting pagtaas sa mga halaga nito. (MAL/BAR-PIA Sorsogon)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines