Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 August 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

 

Tagalog news:Oriental Mindoro, 6 bayan humakot ng DILG ‘Seal of Good Housekeeping’

ni Louie T. Cueto

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Ene. 6 (PIA) –Iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lalawigan at sa lungsod na ito kasama ang lima pang bayan ang prestihiyosong “Seal of Good Housekeeping” award noong Disyembre 27.

Ang parangal ay tumutukoy sa kakayahan ng lokal na pamahalaan sa larangan ng pagpaplano, maayos at bukas na pamamahala, handa sa pananagutan at pagpapahalaga sa antas ng mga nagagawa ng isang local government unit.

Dahil sa naturang parangal, ang lalawigan ay nakatakdang tumanggap ng P7 milyon, P3 milyon para sa lungsod ng Calapan at P1 milyon bawat isa sa mga bayan ng Baco, Victoria, Naujan, Pinamalayan at Bansud.

Nakapag-ambag ng malaki sa pagkapanalo ng lalawigan ang pagkakaroon nito ng bukas na pamamahala, regular na pagsusumite ng financial report at ulat sa mga nangyayari at nagagawa ng kani-kanilang nasasakupan.

“Kaya naman matagal ding nangarap ang lalawigan na mapagkalooban ng ganitong parangal tanda ng maayos na pamamahala at responsableng pagganap sa mga iniatang na tungkulin ng bayan,” sabi ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. bilang reaksyon.

Tinanggap ni Umali ang parangal kay DILG Provincial Director Samuel Borja kasama sina Baco Mayor Graciano Dela Chica, Victoria Mayor Alfredo Ortega, Jr., Pinamalayan Mayor Wilfredo Hernandez, Manny Regencia bilang kinatawan ni Bansud Mayor Ronaldo Morada, at iba pang mga kinatawan ng mga bayan ng Naujan at Puerto Galera, gayundin ng lungsod ng Calapan.

Ayon kay Borja, ang Seal of Good Housekeeping ay maituturing na isang master key na magbubukas sa magagandang oportunidad para sa lalawigan at mga bayang nakatanggap nito. Ito aniya, ay resulta ng maayos na pamamahala ng isang pamunuan.

Kabilang sa mga pinagbatayan ng pagkakaloob ng parangal ay ang ulat mula sa Commission on Audit (COA) kaugnay sa mga naisumiteng papel at ang pagkakaroon ng transparency sa financial statements ng mga proyekto at programang ipinapatupad ng tanggapan. (LBR/ LTC/pia4-b/OrMin)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines