Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 October 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Saturday, January 07, 2012

 

Tagalog news: ‘Daluyong ng bagyo’ isinama na sa mga dapat paghandaan ng publiko

by Oliver T. Baccay

TUGUEGARAO CITY, Jan. 7 (PIA) -– Inumpisahan na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC)ng rehiyon dos ang pagbibigay edukasyon sa publiko hinggil sa daluyong ng bagyo o storm surge, lalo na sa mga nakatira sa gilid ng karagatan.

Ayon kay Norma Talosig, pinuno ng konseho, sa bagong konsepto ng pagbibigay alam sa publiko hinggil sa mga kalamidad na dapat paghandaan ng bawat isa ay idinagdag na rito ang daluyong ng bagyo na kasama sa mga naunang mga ikinakampanya nila sa pagahahanda tulad ng bagyo, baha at lindol.

Ang daluyong ng bagyo ay ang hindi pangkaraniwang pag-taas ng tubig sa karagatan. Ito ay epekto ng

hangin dahil sa pagbaba ng atmospheric pressure na nagtutulak sa tubig-dagat dahilan upang ito ay maipon at tumaas kaysa sa pangkaraniwang lebel ng dagat.

Ani Talosig, kailangang maging mapagmatyag palagi ang mga nakatira sa gilid ng karagatan at ang mga laging pumapsayal sa dagat dahil maaring magdudulot ito ng malawakang pagbaha na aabot sa ilang kilometro depende pa sa hugis at dalisdis ng baybaying dagat.

Ayon dito, ang daluyong ng dagat ay isa sa mga inilista nang nakakamatay na kalamidad matapos ang mga ulat na maraming namatay dahil sa nasabing kalamidad sa ibang bansa.

Ipinayo rin ng nasabing opisyal na sa ngayon pa lamang ay kailangan nang lumikas sa mas mataas at ligtas na lugar ang mga pamilyang nakatira sa gilid ng karagatan upang maiwasan ang mas matinding peligro kung halimbawa magkakaroon ng storm surge.

Idinagdag pa nito na kailangang parating makininig sa mga radyo, telebisyon at iba pang uri ng pamamaraan para mai-anunsyo ng konseho ang kanilang mga babala na dapat sundin para makaiwas sa peligro. (TCB/OTB/PIA-2)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines