Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 24 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

 

Tagalog news: LTO Palawan nalampasan ang target collection para sa 2011

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 9 (PIA) -- Nalampasan ng Land Transportation Office (LTO) Palawan branch ang collection target nito ng 7.73 percent sa nalikom nitong P54.06 milyon mula sa registration, licensing at law enforcement fees noong 2011.

Ayon kay Antonia dela Cruz, officer-in-charge ng LTO-Palawan, malaking bahagi ng kinita ng ahensya ay mula sa rehistrasyon ng may 37,314 motor vehicles sa lalawigan na 78.8 percent ng kabuuan o P42.64 milyon.

Aniya, nakakolekta din ng P10.25 milyon ang ahensya mula sa pag-iisyu ng mga permits at lisensya na mas mataas kung ikukumpara sa P9.29 milyon ng 2010.

Ayon kay de la Cruz, mataas ang koleksyon ng LTO-Palawan dahil sa ginagawang computerized transaksyon at sa episyenteng pamamaraan ng koleksyon na pinatutupad ng ahensya nito.

Bukod dito, sinabi din ni de la Cruz na nakatulong din ang ginagawa nilang mobile transaction sa labas ng lungsod na kanilang ipagpapatuloy at palalakasin sa 2012.

Para sa 2011, tinarget nito ang P49.8 milyon ngunit nagawa nilang lampasan ito at nakakolekta ng P54.06 milyon, na mas mataas ng P5.63 milyon o 11.63 percent sa 2010.

Sa licensing, may 10,890 na mga lisensya ang na-isyu at nai-palabas ng tanggapan para sa 2011 na mas marami ng 2,176 o 24.72 percent kaysa sa 8,804 na lisensya noong 2010.

Umaasa si de la Cruz na mas mahihigitan ng kasalukuyang taon ang collection ng 2011 dahil na din sa dumadaming mga motor vehicles ang ipinapasok sa lungsod mula sa Metro Manila. (TBO/VSM/PIA-Palawan)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines