PIA Press Release Monday, January 09, 2012 Tagalog news: 100 batang lansangan, makikinabang sa isinasagawang bahay-tuluyan sa AlfonsoALFONSO, Cavite, Enero 9 (PIA) ---May 100 batang lansangan ang makikinabang sa itinatayong bahay-tuluyan ng Kanlungan Foundation sa pakikipagtulungan sa pamahalaang bayan sa pamamagitan ng social welfare and development office (SWDO).Ang proyekto ay naglalayong mapagkalooban ang mga batang lansangan ng pundasyon para sa kanilang kinabuksan. Habang naninirahan sa bahay-tuluyan, ang mga batang lansangan ay bibigyan ng sapat na makakain, tahanan at edukasyon na kanilang magagamit upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan. Sa kabilang banda, ang SWDO ang siyang mangangalaga at magiging patnubay ng mga batang lansangan upang sila ay magabayan sa pagtahak sa tamang landas na may tulong at suporta mula sa pamahalaang lokal. Samantala, ang malaking tulong na ibinabahagi ng Kanlungan Foundation ay hindi lamang sa Alfonso kundi maging sa iba’t iba pang panig ng bansa. (Norida D. Sumilang, PIA-4A |