Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 18 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

 

Tagalog News: Bayan ng Gubat, isinusulong ang paglago ng industriya ng turismo

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 9 (PIA) –- Pursigido ang lokal na pamahalaan ng Gubat na maitaas pa ang antas ng kanilang programang pangturismo.

Sinabi ni Rebecca Ermino, Tourism officer ng bayan ng Gubat, na sa ngayon ay patuloy ang ginagawa nilang pagsisikap at ang kanilang pakikipag-usap sa mga may-ari ng iba’t-ibang mga pribadong resort at mga pinuno sa lugar ng mga destinasyong pangturismo doon upang malaman ang tourism development plan ng mga ito at mabigyan ng kaukulang tulong sakaling kailangan.

Kabilang na dito ang Rizal Beach Resort, Kalayukay Beach, at Dancalan Beach na nais nilang lalong mapaganda lalo na pagdating sa mga serbisyong ibinibigay sa mga dumadayong turista sa kanilang lugar.

Maliban pa sa mga ito, sinabi pa ni Ermino na isinusulong din nila ang kanilang Liang Caves na matatagpuan sa Brgy. Bagacay at Paco.

Pinaninindigan na rin ng lokal na pamahalaan ng Gubat ang kanilang pagiging Surfing Capital ng Sorsogon matapos na magpakita ng positibong reaksyon at paghanga ang mga mahihilig mag-surfing na nakadayo na sa Dancalan Beach na matatagpuan sa Brgy. Buenavista, Gubat dahilan sa mga malalaking alon doon.

Maliban sa magagandang destinasyong pangturismo nito, matatagpuan din dito ang mga masasarap na pagkain tulad ng ipinagmamalaki nilang “timitim” na gawa sa kamoteng-kahoy na hinaluan ng gata, asukal, vanilla at pili nut at ang “kinagang” na gawa mula sa isang uri ng seashell (crayfish) na hinaluan ng murang niyog at dahon ng herba buena na binalot sa espesyal na uri ng dahon.

Ang bayan ng Gubat ay kabilang sa 2nd class municipality na may 42 barangay. (MAL/BAR, PIA Sorsogon)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines