Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 23 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

 

Quezon, malaki ang potensiyal na makapag-export ng buri bag sa Asya, Estados Unidos - DTI

ni Ruel M. Orinday

LUCENA CITY, Quezon, January 9 (PIA ) --- Inihayag ni Pablito Budoy ng Department of Trade and Industry (DTI), Quezon provincial office na malaki ang potensiyal ng lalawigan ng Quezon na kumita ng malaki sa export kung aayusin lamang ang paggawa ng bag na gawa sa buri.

Sinabi ni Badoy na hindi nabibili o tinatanggihan kung minsan ang mga produktong bayong sapagkat hindi maayos ang pagkakagawa katulad ng hindi pantay na pagkalinis ng mga buri at hindi rin maayos ang pagkakalala ng bayong. Dahil dito, hindi rin gaanong makapagluwas ng produktong ito sa mga bansa sa Asya at Amerika.

“May tatlong samahan sa Quezon na gumagawa ng bayong bag kagaya ng Sariayanas Enterprises sa Sariaya, Sampaloc Weavers Association at Gat-uban Weavers Association sa Mauban. Karamihan sa bayong bag na gawa sa mga bayang ito ay ibinebenta sa Divisoria at ilan pang lugar sa bansa,” sabi ni Badoy.

Samantala, ang ‘bayong development program’ ay isa sa mga programa ng DTI. Kung makikipagtulungan ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa lalawigan, matutulungan din ang mga taong gumagawa at naglalala ng bayong bag sa Quezon kasama ang pag-export nito sa ibang bansa.

Ayon kay Budoy, ang isang paraan naman ng pagtulong ng lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay ang pagbabawal ng paggamit ng plastic bag sa mga bayan sa Quezon.

Ang paggawa ng produktong bayong bag ay malaki ang naitutulong sa paglikha o pagbibigay ng trabaho hindi lamang sa mga kababaihan kundi gayundin sa mga kalalakihan sapagkat ang ibang trabaho bago mabuo ang bayong ay ginagawa ng mga kalalakihan. (RMO, PIA-Quezon)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines