Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 March 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

 

Tagalog News:PDRRMC nananatili ang abiso sa mga residente na mag-ingat dala ng pabago-bagong kondisyon ng panahon

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 9 (PIA) –- Nananatili ang mahigpit na abiso ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa mga residente sa buong lalawigan lalo na sa mga nakatira sa mga tabing dagat at mababang lugar na maging alerto at mag-ingat sa maaaring maging epekto ng mga pag-uulan sa lalawigan.

Sa obserbasyon, mas nagiging pabago-bago na ang panahon ngayon kung saan bigla na lamang bubuhos ang malakas na ulan na nagiging sanhi upang dagliang tumaas ang tubig at magdulot ng mga malalakas na pag-agos ng tubig sa mga ilog.

Mahigpit din ang abiso ng PDRRMC sa mga nakatira sa paanan ng mga bundok sapagkat anila’y maaaring gumuho ang lupa dahil ang malakas na ulan ay nagpapalambot sa lupa.

Ang abiso ay kaugnay pa rin ng forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) na magpapatuloy pa ang pag-ulan dala ng hanging amihan.

Mahigpit din ang panawagan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residenteng nakatira malapit sa Bulkang Bulusan na mag-ingat sa mga lahar flows sapagka’t hanggang sa ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang aktibidad ng Bulkang Bulusan kung saan sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng apat na pagyanig.

Sa tala ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), walong mga bayan sa Sorsogon ang tinukoy na bahain habang tatlo naman ang tukoy na madaling gumuho ang lupa. Partikular na pinangalanan ng MGB ang mga bayan ng Irosin, Juban, at Donsol sa mga madaling bahaing mga lugar sa Sorsogon habang kabilang din ang Bacon District sa Sorsogon City at bayan ng Magallanes sa mga landslide-prone areas. (MAL/BAR, PIA Sorsogon)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines