Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 29 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

 

Tagalog news: Calapan City muling pumasa sa surveillance audit ng ISO

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Enero 9 (PIA) -- Sa ikatlong pagkakataon ay nakapasa sa surveillance audit ng International Organization for Standardization (ISO) ang lungsod ng Calapan sa isinagawang pagsusuri ng Certification International Philippines, Inc. (CIPI). Ito ay nang nakatugon ang pamahalaang lungsod ng Calapan sa mga pamantayan ng ISO 9001: 2008.

Ang pagsusuri ay pinangunahan ng lead auditor nito na si Lourdes Melissa M. Batang.

Matatandaan na isinagawa ni CIPI lead auditor Rodolfo C. Viola, Jr. ang nakaraang ikalawang surveillance noong Mayo 2011. Ang pagsasagawa ng ikatlong beses ng pagsusuri ay upang tiyakin kung ang pamahalaang lokal ay nakatutugon sa pamantayan na nakapaloob sa ISO 9001: 2008 Quality management Standard at napapanatili nito ang pagiging ISO certified.

Ayon kay Lea Carpio, project evaluation officer ng city planning department, kabilang sa mga proseso ng serbisyo na dumaan sa pagsusuri ay ang pagbibigay ng mga business permits at iba pang clearances ng City Health and Sanitation Department (CHSD) at City Engineering and Public Works Department (CEPWD); appraisal at assessment ng real properties; pagbibigay ng tax declaration copy ng City Treasury Department (CTD) at City Assessor’s Department (CAD); at pagrerehistro at pagbibigay ng birth certificates, death certificates at marriage certificates ng City Local Civil Registry (CLCR).

Dagdag pa ni Carpio, ang pagsuspindi sa ISO certificate ng mga ISO certified na mga miyembro o institusyon ay posible kung mayroong major non-conformity sa mga alituntunin ng ISO. Aniya, binibigyan ng 90 araw ang isang LGU na magsagawa ng corrective action kung sakaling magkaroon ng suspensyon ang nasabing sertipiko.

Inaasahan naman na mas magiging mabilis at de-kalidad ang serbisyo ng local na pamahalaan para sa mga mamamayan, bisita at mga negosyante sa lungsod. (CIO/Louie T. Cueto/PIA-4B)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines