Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

 

Tagalog news: Albay, handa na sa pagbalik ng La Nina

LEGAZPI CITY, Enero 10 (PIA) –- Pinaghahandaan na at lalong pinahuhusay ng Albay ang action plan nito laban sa kalamidad matapos ipahayag ng PAGASA ang lalong malakas na pag-ulan at pagbaha kaugnay ng maagang pagbabalik ng La Nina ngayong taon.

Inilatag ng lalawigan ang Reactivated Albay Task Force La Nina 2012 (RATFLAN 2012).

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang paghahanda ay pinasimulan nitong katatapos na Disyembre nang isagawa nila ang ‘refresher training on weather-related hazards and responses’ na pinangasiwaan ng Albay Provincial Safety and Emergency Management Office (APSEMO) para sa 30-kataong ‘core team’ mula sa 720 barangay ng lalawigan.

Nagsagawa na rin ng ‘aerial inspections’ noong nakaraang buwan ang Office of Civil Defense (OCD), Apsemo at ang Philippine Air Force Task Operations Group 5, sa mga malimit binabaha at maaaring gumuhong mga lugar sa lalawigan, dagdag ni Salceda.

Sinabi ni Salceda na kaaagad nilang inilatag ang RATFLAN 2012 na may paunang pondong P22 milyon para matugunan agad ang mga pangangailangan kaugnay ng masamang panahon. Ang plano ay pinamamatnugutan ng APSEMO bilang ‘lead agency’ ng mga tanggapang kasangkot sa programa nito.

Nauna nang inihayag ng PAGASA ang pagbabalik ng La Nina at ang mga kalamidad na maaaring dala nito.

Nagkakaisa ang mga disaster officials sa Albay na kailangang baguhin ang kanilang mga ‘risk maps’ dahil nga ang dating mga lugar na inaakalang ligtas ay binaha na at nagkaroon ng pagguho ng lupa nitong nakaraan, lalo na sa puno ng Bulkang Mayon.

Ang paghahanda, ayon kay Salceda, ay iniuugnay din nila sa malakas na pagbaha at pagguho ng lupa na naganap noong mga nakaraang bagyong Bebeng (Mayo 8-9), Chedeng (May 25), Falcon (June 22), at Juaning (July 22) na nagpahiwatig ng lalong malakas na pagbuhos ng ulan.

Pinansin din ni Salceda na ang pagsimula ng ‘northeast monsoon’ o panahong habagat sa huling tatlong buwan ng 2011 ay nagdulot ng malakas na pag-ulan kung kaya ang Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ay nagpalabas ng mga Public Safety Advisories.

Bukod sa pagbabago ng mga risk maps, gumawa na rin ng mga hakbang ang Albay para lalong patatagin ang warning systems sa mga barangay na gumagamit ng mga ‘rain gauge stations’ at ‘flood markers.”

Nagtalaga na rin ng CCTV sa limang kritikal na lugar at lalong pinahuhusay ang Communication Protocol at Evacuation Plan and Procedures sa lalawigan. (MAL/PIO Albay)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines