Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 30 March 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

 

Tagalog news: DOST nagkaloob ng Php1.5M ayuda sa Palawan SMEs

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Ene. 10 (PIA) -- Inaprubahan kamakailan ng Department of Science and Technology (DOST) ang apat na proyektong nagkakahalaga ng Ph1.57 milyon sa ilalim ng Small Enterprise Technology Upgrading Program o SET UP na inaasahang magpapataas sa kalidad ng mga produkto.

Ang SET UP ay pambansang programa ng DOST na naglalayon na hikayatin at tulungan ang mga small and medium enterprise o SMEs na gumamit ng teknolohiya upang mapaigi ang negosyo.

Ang apat na proyektong naaprubahan ng DOST ay ang wood manufacturing ng Munting Kabuhayan Multi-Purpose Cooperative, peanut butter ng Bacabac Home Made Peanut Butter, turmeric production ng Unlad Multi-Purpose Cooperative at ang mango processing ng Narra municipal government.

Napagkalooban ng P750,000 ang Munting Kabuhayan MPC sa Luzviminda na gugugulin sa kiln dryer na may kapasidad magpatuyo ng 3,000 board feet ng lumber na kukunin sa mga proyektong pataniman.

Ayon kay Engr. Pacifico Sariego, hepe ng DOST-Palawan, malaking tulong ang kiln dryer sa negosyo ng kooperatiba sapagkat mula sa anim na buwan na natural na pagpapatuyo, magiging dalawang linggo na lamang ito.

Nabigyan din ng P170,000 ang Bacabac Home Made Peanut Butter na pag-aaari ni Josephine Bacabac ng Malinao, Narra. Gagamitin ito upang makabili ng roasting equipment, peanut grinder, at induction sealer.

Nasa pagpapalago ng turmeric production mapupunta ang ayudang P450,000 ng Unlad Multi-Purpose Cooperative sa Brooke’s Point.

Ibibili naman ng dryer at industrial blender ang P200,000 na natanggap ng lokal na pamhalaan ng Narra para sa kanilang proyekto na mango processing.

Bukod sa ayudang pinansyal, pagkakalooban din ng pagsasanay at iba pang technical assistance partikular na sa product standards at packaging ang mga benepisyaryo, dagdag pa ni Sariego. (LBR/VSM/PIA-Palawan)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines