Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 27 April 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

 

Annex III ng lungsod ng Antipolo, patuloy sa paglilingkod

ANTIPOLO CITY, Rizal, Enero 10 (PIA) -- Sa loob lamang ng ilang buwan mula ng maitalaga bilang officer-in-charge (OIC) ng Annex III, naipakita ni Dr. Rina Gabuna Junio at mga kasama ang kanilang dedikasyon kung paano ang pagbibigay ng kalugod-lugod na serbisyo sa mamamayan at kapuri-puring ehemplo bilang lingkod ng bayan.

Walong barangay ang nasasakop ng Annex III na kung saan mayroong kabuuang bilang na 18 empleyado ang nagtutulong-tulong upang paglingkuran ang mamamayang sakop ng kanilang serbisyo.

Upang mas mabilis at maayos na tugunan ang pamamahagi ng serbisyo sa nutrition, health and basic social services hinati ito sa tatlo: Ang Single Parent/Street Children Section; Persons with Disability at ang Burial/Financial at Medical Assistance.

Mula buwan ng Mayo nakapagtala ang PWD Desk ng Annex III ng may 50 bagong rehistradong organisasyon mula sa sektor na ito na kung saan may malaking bilang ng deaf and mute. Kabilang din dito ang pagpapa-opera ng cataract sa isang pasyente sa pakikipag-ugnayan sa Antipolo Multi-Sectoral Organization (AMSO). Labing isang deaf students ang sumailalim sa Audiological Screening para sa posibleng pagkakaroon ng hearing aid at dalawang orthopedic/multiple disability mula sa Barangay Bagong Nayon ang nabiyayaan ng wheelchair mula sa Provincial Government.

Nakapag-asiste rin ang kanilang opisina sa labingtatlong (13) PWDs katuwang ang Commission on Election (COMELEC) upang magkaroon ng karapatang bumoto sa halalan. Nitong nakaraang Oktubre limang may kapansanan pa ang naging recipient ng Eye Cataract Screening na isinagawa sa Sta. Lucia Mall kung saan labindalawa pa ang mabibigyan sa buwan ng Nobyembre at lima pa ang naka-schedule para naman sa darating na Disyembre. Iba’t-ibang programa pa ang inihahanda para sa kapakanan ng mga PWD’s katulad ng Mobile Comelec Registration, Livelihood programs, Medical and Dental missions at mga Trade Exhibits.

Malaking bahagi din ang naiambag ng Annex III mula sa kanilang Burial/Financial and Medical Assistance na kung saan 45 requests ang naiproseso katuwang ang Mayor Nilo sa pamamagitan ng CSWD, Congressman Robbie Puno at Governor Ynares. Kasama ang City Economic Enterprise Office sa pamumuno ni Amy Engalla at Boy Simon ng Antipolo Public Cemetery malaking diskwento ang naibibigay para sa pagpapalibing at free casket o kabaong para sa indigent na mamamayan.

Ang General Services Office at City Procurement Office ang naging katuwang ng Annex III sa may limampung pirasong monoblock at dalawang tent na naipagkaloob ng Punong Lungsod Nilo Leyble upang ipahiram naman sa mga nagangailangang mamamayan. Kasama dito ang paggamit ng mga namatayan, gamit sa mga opisyal na aktibidades at mga paseminar o anumang pagpupulong sa mga komunidad.

Isa rin sa mga mahigpit na napaglingkuran ang hanay ng mga Senior Citizens o ang Office of the Senior Citizens Affairs kung saan 430 ang nabigyan ng Purchase Booklets at 314 na Senior Citizen Identifications.

Nakapagbigay din ng mga programang pangkabuhayan ang Annex III sa tulong naman ng City Cooperative and Livelihood Office katulad ng Basic Reflexology na accredit sa TESDA bilang mga massage therapists.

Nakapagproseso rin ang Local Civil Registry ng mga sumusunod upang makatulong sa mamamayan mula sa walong barangay tulad ng Live Birth – 401; NSO Intact – 311; NSO Marriage – 74; NSO Death – 16 at CENOMAR na may bilang na 58.

Ang masugid na pagsunod sa kampanya sa kalinisan at kaayusan ang masidhing ipinatutupad ng Annex III katuwang ang CEWMO gaya ng orientation para sa mga Environmental Police Officers, information drive tungkol sa ordinansang para sa pamamahala sa paggamit ng plastic at pagbabawal sa paggamit ng styrofoam, “Tapat Ko Linis Ko” at ang Solid Waste Management/Segregation. Bukod pa rito ang mga tree planting activities na tinawag na “Isang Sulyap Para sa Kalikasan” na kung saan may 200 mahogany trees sa may halos 200 sq m na lupa ang naitanim.

Mayroon ding malaking tulong ang naiambag ng nasabing opisina upang makatulong sa problemang palupa kasama ang Urban Settlement and Development Office na kung saan ilang asosasyon at organisasyon ang kanilang nabigyan ng assistance.

Layunin ng Annex III na makapagbigay pa ng mas maraming serbisyo sa mamamayang Antipolo kung kaya naman patuloy din sila sa pag-iisip pa ng mga programa at proyektong angkop sa pangangailangan ng kanilang nasasakupan. (PIO-Antipolo/CPG, PIA-4A)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines