Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 23 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

 

Tagalog News: Driver’s License ng suspek sa wildlife smuggling iniimbestigahan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 10 (PIA) -- Iniimbistegahan na ng National Bureau of Investigation kung paano nagkaroon ng lisensya sa pagmamaneho mula sa Land Transportation Office (LTO) Palawan ang suspek sa pagpupuslit ng karne at parte ng mga ipinagbabawal na buhay-ilang na nakumpiska sa paliparan ng lungsod noong nakaraang linggo.

Ayon kay NBI-Palawan chief Rosauro Bautista, ang suspek na si Yinfa Huang ay may katagalan nang namamalagi sa lalawigan sapagkat nagkaroon na ito ng pagkakataong makakolekta ng mga pugad ng ibong balinsasayaw at makapamili ng mga kaliskis at karne ng balintong (anteater) at iba pang mga ipinagbabawal na buhay-ilang tulad na lamang ng pawikan, samong at iba pang sea shells sa mga bayan ng El Nido, Taytay at Quezon.

Ang suspek na isang undocumented Chinese national ay nahuli sa pamamagitan ng pinagsanib na operasyon ng NBI, city police, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay Special Operation Group (SOG). Pansamantalang naninirahan siya sa barangay San Jose, lungsod na ito.

Iprinisenta kaninang umaga sa mga lokal na mamamahayag ang suspek sa isang press conference na pinangunahan ni City Mayor Edward S. Hagedorn.

Ayon kay Hagedorn, babala na ito sa lahat ng sa lahat ng mga nakikipag-ugnayan sa ganitong iligal na negosyo. Aniya, ang ganitong kalapastanganan sa kalikasan ay hindi nila palalampasin.

Pansamantalang nakapiit ngayon sa city PNP detention cell ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9147 o ang ang "Wildlife Resources Conservation and Protection Act." (Orlan C. Jabagat/PIA4B-Palawan)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines