PIA Press Release Thursday, January 12, 2012 Tagalog News: Angeles, San Fernando pumirma ng sisterhood agreementni Carlo Lorenzo J. DatuLUNGSOD NG ANGELES, Pampanga, Enero 12 (PIA) -- Pumirma kamakailan ng sisterhood agreement ang mga lungsod ng Angeles at San Fernando sa Pampanga. Ayon kay Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan, layunin ng kasunduan na pagtibayin pa ang mabuting relasyon at kooperasyon sa pagitan ng dalawang siyudad sa mga larangan ng edukasyon, agham at teknolohiya, kultura at sining, turismo, planning at urban development, trade & industry, youth welfare, isports, pangangalaga sa kalikasan, agrikultura, kalusugan, social services, at disaster mitigation at preparedness. Dagdag pa ni Pamintuan na umaasa siya na ang kasunduan ay magbibigay daan upang mapabuti ang kanilang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa kani-kanilang mga nasasakupan lalo pa at kapwa sila kilala dahil sa mabuting pamamahala. Samantala, sinabi naman ni Oscar Rodriguez, alkalde ng San Fernando, na makakatulong ang kasunduan upang malampasan ng Angeles at San Fernando ang mga pagdadaanang pagsubok dahil handa nilang damayan ang isa’t isa. Ang Angeles, na dating kilala sa pangalang Culiat, ay minsang naging bahagi ng San Fernando. Ito ay itinatag ng noo’y gobernadorcillo ng San Fernando na si Don Angel Pantaleon de Miranda upang magsilbing bagong tahanan at taniman ng palay at tubo. (WLB/CLJD-PIA 3) |