Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 29 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Thursday, January 12, 2012

 

Patalastas ng Ilocos Norte ipalalabas, turismo pinaiigting

ni Cherry Joy Discaya

LAOAG CITY, Jan. 12 (PIA) -- Bilang pagpapaigting sa kampanya ng Ilocos Norte sa turismo, naghahanda ngayon ang lokal na pamahalaan sa pagpapalabas ng isang ‘TV commercial’ na ilalabas sa lokal at nasiyonal na telebisyon sa buong mundo.

Ipapakita sa nasabing patalastas ang mga pinakamagagandang lugar-pasyalan (tourist destination) dito, upang pagpapaigting ang kampanya nito na pangturismo.

Ang patalastas ay may pamagatna “Paoay Kumakaway!" bilang pag-anyaya ng mga turista sa iba’t ibang panig ng mundo na bumisita sa probinsya.

Layunin ng patalastas na ito na ipakita sa buong mundo ang likas na kagandahang ng Ilocos Norte at hikayatin pa ang mga negosyante na mamuhunan sa probinsya.

Bagaman nakasentro ang pamagat nitong “Paoay Kumakaway!” sa isang bayan ng Ilocos Norte, hindi naman ito limitado sa nasabing bayan. Ito rin ay tumatalakay sa pangkalahatang promosyon sa lahat ng mga lugar sa probinsya na kadalasang binibisita ng mga turista.

Ilan dito ay ang La Paz sand dunes, Paoay Lake, Paoay Church, Malacanang Ti Amianan, Bangui Windmills, Ang Cape Bojeador lighthouse ng Burgos, Kapurpurawan Rock formation, Patapat Bridge ng Pagudpud, at mga naggagandahang beach sa Pagudpud.

Kamakailan lamang sa tala ng Kagawaran ng Turismo (Department of Tourism), isa ang probinsya ng Ilocos Norte sa sampung pinakamadalas pasyalan ng mga turista sa Pilipinas. Kung kaya’t nais ng lokal na pamahalaan na ibandera pa ang probinsya sa lahat ng panig ng mundo.

Ang patalastas na “Paoay Kumakaway” ay sumailalim sa pangunguna ng primyadong Direktor na si Mark Meiley na namangha din sa kagandan ng Ilocos Norte habang isinasagawa ang shooting. Nakipagtulungan din dito ang Creative Media and Film Society of the Philippines (CREAM).

Inaasahang lalabas nasabing patalastas sa huling linggo ngayong buwan ng Enero o kaya ay sa unang mga linggo ng Pebrero. Mapapanood ito sa mga lokal at nasyunal na programa ng telebisyon sa buong mundo. (ANL/CJD-PIA 1 Ilocos Norte)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines