Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 30 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Thursday, January 12, 2012

 

Tagalog news: Pamahalaang panlalawigan, nagpasalamat sa PNP-Batangas para kapayapaan

BATANGAS CITY, Enero 12 (PIA) -- Kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon ng 2012 ay agad ding ipinaabot ni Batangas Governor Vilma Santos Recto ang kanyang pasasalamat at paghanga sa lahat ng miyembro ng kapulisan sa lalawigan noong ika-9 ng Enero.

Sa pamumuno ni PNP Provincial Director Rosauro Acio, nagtipon-tipon ang mga hepe ng pulis mula sa apat na distrito kasama ang mga empleyado ng Batangas Police Provincial Office sa Governor’s mansion para sa taunang New Year’s courtesy call nila sa gobernadora.

Binigyang batid ni Gov. Vi ang kahalagahang idinulot ng mahigpit na pagmamatyag at pangangalaga ng mga pulis sa kaayusang mayroon sa probinsya. Dahil dito ay itinanghal kamakailan ang Batangas bilang “Most Peaceful Province” sa Calabarzon.

Ang nasabing karangalan ay nakapaloob sa inilabas na official statement ni Chief Supt. Gil C. Meneses, Police Regional Office (PRO) 4-A director. Ito ay base na din sa 2011 crime statistics at records na naitala at isinumite ng bawat police provincial commander sa rehiyon.

Ayon kay RD Meneses, maituturing niyang pinakatahimik at pinakamaayos ang kalagayan ng lalawigan ng Batangas na sinusundan ng Quezon, Rizal, Cavite at Laguna. At ang ranggong ito ay produkto ng kanyang masusing pag-aaral sa annual accomplishment reports mula sa iba’t ibang police provincial offices (PPOs).

Dahil nito, inaasahan ni Gov. Vi na patuloy na gagampanan ng kapulisan ang kanilang sinumpaang tungkuling panatilihing ligtas sa anumang kapahamakan ang bawat mamamayang Batangueño. Sinigurado naman ni PD Acio at ng mga kasamahan niya na lagi silang handa sa bawat oras na kakailanganin ang kanilang serbisyo sa ngalan ng kaayusan, katahimikan at pangangalaga sa buong lalawigan ng Batangas. (Kristina Marie Joy B. Andal, Batangas PIO/PIA-Batangas)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines