Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 30 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Thursday, January 12, 2012

 

Tagalog news: DBP katuwang na ng water district sa pangangalaga ng kalikasan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 12 (PIA) -- Katuwang na ngayon ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) ang Development Bank of the Philippines (DBP)-Palawan Branch sa pangangalaga ng kalikasan matapos lagdaan ang Memorandum of Understanding para sa Adopt-A-Planting Site Program.

Inilunsad noong Agosto 2011 ang programa ng PPCWD na naglalayong mapangalagaan ang watershed ng lungsod upang patuloy na makapagbigay ito ng malinis na inuming tubig sa mga mamamayan.

Matapos lagdaan ang MOU sa pagitan nina PPCWD General Manager Jesus R. Romasanta at DBP Branch Manager Val Galileo Pagunsan, agad silang nakiisa sa buwanang pagtatanim ng punong kahoy ng water district na isinagawa sa Irawan Watershed. Kasama sa mga nagtanim ng puno si Pagunsan at kanyang mga empleyado.

Kabuuang 2,700 puno ng kahoy ang naitanim kung saan 1,500 dito ang naitanim ng PPCWD at 700 naman ng DBP.

Sa ilalim ng programang ito, ang bawat ahensiya o organisasyon na magiging kaagapay ng water district sa pangangalaga ng kalikasan ay bibigyan ng kalahating ektarya ng lupa sa bahagi ng watershed upang sila ang magtanim ng mga puno at magmantini nito.

Ang programang ito ng PPCWD ay bilang pagsuporta na rin sa greening program ng pamahalaan. (PPCWD/OCJabagat/PIA4B-Palawan)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines