Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 30 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Thursday, January 12, 2012

 

Tagalog Feature: Saysay ng kasaysayan

ni Alice Sicat

QUEZON CITY, Jan. 12, (PIA) -- Bakit mahalaga ang kasaysayan? Madalas hindi natin nakikita ang kahalagahan ng kasaysaysan, ngunit kung ating iisiping mabuti, malaki ang bahaging ginagampanan nito sa ating na buhay.

Madalas natatali tayo sa ideyang ang pag-aaral ng kasaysayan ay puro pagmememorya lamang. Ngunit hindi natatapos ang kasaysayan sa mga detalye, petsa o pangalan. Ang tunay na pag-aaral ng kasaysayan ay ang paghahanap ng katotohanan at kahuluhan.

Ang kasaysayan ang magbibigay kahulugan sa ating pinanggalingan at ito rin ang magtuturo ng direksyon na patutunguhan sa hinaharap.

Mahalaga rin ang kasaysayan sa pambansang pagkakaisa. Kung magiging malinaw pag-aaral ng kasaysayan, ito ang magiging pundasyon ng pagkakasundo ng bawat Pilipino.

Halimbawa na lang ang panahong bago dumating ang mga Kastila. Karamihan ng mga taong nakatira sa Pilipinas ay mga Muslim. Kaya’t maisasaisip natin na ang mga Muslim ay may malaking bahaging ginampanan din sa ating kasaysayan.

At ang pag-aaral ng kasaysayan ay siyang pwedeng maging sagot sa kawalan ng inspirasyon. Ang mga Pilipino ay ipinanganak na may likas na talino at may natatanging talento. Kadalasan ang kulang na lang sa atin ay ang pagkakaroon ng inspirasyon. Maaring mapaghugutan ng inspirasyon ang kaalaman sa mga pangyayari at mga mahahalagang tao sa kasaysayan.

Ngunit paano nga ba natin ituturo ang ating kasaysayan sa ating mga mag-aaral?

Ayon kay G. Jonathan Balsamo ng Philippine Historical Association (PHA), sa pagtuturo ng kasaysayan sa mga bata, dapat alamin ng isang guro ang istilo ng pagkatuto kanyang mga estudyante at doon i-batay ang kanyang paraan ng pagtuturo upang magkaroon siya ng koneksyon sa mga ito.

Masmaganda rin aniya na gumamit ng mga mga makabagong teknolohiya tulad ng ICT at iba’t-iba pang larangan upang maslalo pang abutin ang interes ng mga kabataan sa ngayon. Mahalaga rin na maging paiba-iba ang mga gawain sa araw-araw upang hindi ito maging nakakasawa.

Kung sakaling kulang naman sa kagamitan, maaari pa ring bumalik sa nakasanayan nang pamamaraan at ito ay ang pagkukuwento Subalit sa pagkukuwento dapat gawin itong simple na kayang maintindihan at ikuwento muli ng bata sa iba.

Lahat ng kuwento ay bahagi ng kasaysayan. Ang mahalaga ay ang pakahulugan na ating makukuha sa kasaysayan. Aniya nga ng mga istoryador, “ang tunay na kasaysayan ay salaysay na may saysay.” Ito ang may tunay na pakinabang.

Si G. Jonathan Balsamo ay naging panauhin sa programang ‘Talking Points’ na sumahimpapawid sa People’s Television Network (PTV4) at DZRB Radyo ng Bayan. (AS/PIA-GHQ)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines