Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 27 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

 

Tagalog News: Cholera Watch sa Albay

LUNGSOD NG LEGAZPI, Enero 13 (PIA) -- Tiniyak ng mga otoridad sa larangan ng kalusugan na walang dahilan upang maalarma ang lalawigan ng Albay.

Kasalukuyang nasasailalim ito sa pagmamatyag laban sa posibleng paglaganap ng kolera, ayon sa pahayag ng Provincial Health Office noong Martes.

Ayon kay provincial health officer Dr. Luis Mendoza, ang Albay ay nagtala ng pitong bagong kaso ng kolera noong mga huling araw ng Disyembre. “Kailangan pa nating maghintay ng anim na buwan bago natin maideklara na ang Albay ay malaya na sa kolera subalit dahil sa masamang kondisyon ng ating panahon nitong mga nakalipas na lingo, nagsimulang makakuha tayo ng ulat ng nasabing kaso sa probinsiya.”

Ayon pa kay Mendoza, lima sa pitong kaso ng kolera ay galing sa Daraga, isa sa Ligao City, at isa naman sa lungsod na ito.

“Dahil ang mga naiulat na kaso ay galing sa iba’t ibang lugar, kanila pa ring inaantabayanan ang mga posible pang karagdagang kaso, subalit ang outbreak ay maidedeklara lamang sakaling ang mga kaso ay nasa isang partikular na komunidad lamang,” pagpapaliwanag ni Mendoza.

Nitong nakalipas na linggo, wala namang naibalitang dagdag na kaso ng kolera subalit sa unang linggo ng Enero ay may naitalang tatlong katao na namatay dahil sa kolera galing sa Barangay Gapo, Daraga, at karamihan sa lima na naitala noong nakaraang Disyembre ay galing sa Balinad, na siyang kalapit lamang na barangay.

Dahil dito ay nagbigay babala ang PHO sa lahat ng municipal and city health officers sa 15 munisipyo at tatlong lungsod ng Albay, ang tamang pagsasagawa ng household chlorination, paghahanda ng pagkain, pagpapakulo ng inuming tubig lalo na sa mga open wells, at tamang pagtapon ng dumi ng tao, dagdag pa ni Mendoza.

Maliban sa kolera, ang PHO ay nakaantabay din sa mga bagong insidente ng dengue kung saan tig-dalawang kaso ang naiulat para sa bayan ng Daraga at Oas, isa sa Pio Duran, at isa naman sa Ligao City. Ito ay para lamang sa buwan ng Disyembre.

Nanawagan din si Mendoza sa tamang paglilinis at pag-alis ng mga posibleng pamahayan ng lamok bilang pagsuporta sa programa ni Albay Gov. Joey Salcedo na zero casualties para sa mga Albayanos. (MAL/SAA-PIA V/ALbay)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines