Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 25 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Saturday, January 14, 2012

 

Tagalog News: ‘No Proportionate Pension Policy’ ng GSIS binigyang-linaw

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 14 (PIA) -– Nilinaw ng pamunuan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang katanungan ng ilang mga retirado na kasapi ng GSIS ukol sa natatanggap nilang sulat mula sa GSIS kaugnay sa “No Proportionate Pension Policy” na inamyenda.

Ayon kay Raymund Fiecas, alinsunod sa pagkaka-amyenda, ang mga pension ay kukwentahin mula sa araw ng kanilang naaprubahang pagretiro o limang taon matapos magretiro para sa limang taong kabuuang benepisyo (lumpsum benefit).

Para naman umano sa mga tumiwalag na sa tungkulin subalit nakapagbigay ng serbisyo sa pamahalaan ng 15 taon ngunit mas mababa sa 60 ang edad sa araw ng kanilang pagtiwalag sa tungkulin, ang bilang ng araw na gagawing basehan sa pagkwenta ng kanilang proportionate pension ay mula sa kanilang ika-animnapung kaarawan hanggang sa huling araw ng buwan kung kailan ipinanganak ang tumiwalag na miyembro.

Malinaw umanong nakasaad sa sulat sa mga pensioner ang eksaktong halaga ng makukuha nilang benepisyo ayon na rin sa patakaran ng bagong atas at naideposito na ito ng GSIS simula pa noong Disyembre 8 - 15, 2011 sa kani-kanilang Union Bank o Landbank account at maaaring kubrahin anumang araw matapos ang nasabing mga petsa sa pinakamalapit na Union Bank o Landbank ATM o iba pang mga ATM na nasa ilalim ng Megalink, Bancnet, o Expressnet network.

Subalit sa karanasan ng ilang mga nagreklamong retiradong kasapi, hindi nila umano ito nakitang pumasok sa kanilang mga account.

Pahayag naman ni Fiecas na ang adjustment ay maaaring hindi nila napansin noong gumawa sila ng transaksyon sa bangko subalit maaari umano nila itong malaman sa pamamagitan ng paghingi sa bangko ng kanilang certificate of transaction, deposit, o withdrawal.

Inihayag din ni Fiecas na bukas ang tanggapan ng GSIS sa sinumang may mga katanunagn o nais linawin sapagkat pangunahing hangad umano ng GSIS na patuloy na maging mapagkakatiwalaang partner hindi lamang ng mga aktibong kasapi kundi maging ng mga retiradong kasapi pagdating sa ngalan ng social security. (MAL/FBT/BAR, PIA Sorsogon)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines