Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 24 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

 

Tagalog News: Ika-40 Pambansang Gawain Kapulungan sa Filipino gaganapin

PASIG, Enero 13 (PIA) -- Ang Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino (PASATAF) ay magdaraos ng “Ika-40 Pambansang Gawaing Kapulungan sa Filipino” na may paksang “Ang Bagong Karapatan, Kaalaman, Karunungan ng Guro sa Dekada: Susi sa Kalidad ng Edukasyon.” Ang naturang aktibidad ay gaganapin sa Punta Villa Resort, Lungsod ng Iloilo sa Abril 26-29, 2012.

Ang layunin ng gawaing kapulungan ay ang mga sumusunod:

1. maiangkop ang kasanayan ng mga guro sa pagtuturo ng wikang Filipino;

2. matalakay ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo upang makabuo ng mga kagamitang pampagtuturo;

3. mapataas ang antas ng kalidad sa pagkatuto ng Filipino na magbubunga sa pagpapayabong sa larangan ng Filipino; at

4. magkaroon ng ganap na kamalayan at impormasyon sa karapatan, pribilihiyo, at impormasyon sa pagreretiro.

Ang mga dadalo sa kapulungang ito ay mga pambansang pamunuan at lupon ng mga director ng PASATAF, mga kinatawan ng kawanihan sa tanggapang sentral ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education Skills Development Authority (TESDA), at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), mga pansangay na tagamasid sa Filipino, mga punong-guro o sinumang hihiranging kinatawan sa elementarya, sekundarya, tersyarya at unibersidad/kolehiyo na pampubliko at pribado, mga dati nang kasapi ng PASATAF, mga miyembro ng iba’t ibang samahang pangwika at pang- edukasyon, mga gurong nagtuturo ng Filipino at ng mga asignaturang ang wikang panturo ay Filipino.

Ang lahat ng dadalo ay magbabayad ng P3,300 para sa rehistrasyon sa regular na kasapi na gugugulin sa pagkain at akomodasyon sa loob ng tatlong araw, handout, t-shirt, bayad kasapian, honorarya, at iba pang gastusin. Liban sa halagang ito, karagdagang P50. ang ibabayad naman ng mga bagong kasapi.

Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa mga sumusunod: Dr. Marlene C. Tillah, Pangulo, PASATAF, telepono bilang 0929- 501-8161; Bb. Gloria I. Alday, Ingat-yaman, telepono bilang 0928-754-8418; at Kom. Carmelita C. Abdurahman, Kalihim, telepono bilang 0908-137- 1502. (DepEd/ RJB/DBNV-PIA-NCR)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines