Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 18 October 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Saturday, January 14, 2012

 

Tagalog News: Libreng hatid-sundo sa ‘Sirib bus’ sa Laoag Int’l Airport

by Carlo P. Canares

LAOAG CITY, Jan 14 (PIA) -- Hindi na mahihirapan o magpoproblema pa ang mga turista na walang sasakyan na susundo sa pagdating nila sa Laoag International Airport sa Ilocos Norte.

Ito ay dahil mayroon ng isang ‘Sirib Bus’ (‘Wise Bus) na itinalaga si Gobernador Imee Marcos na magseserbisyo sa kanilang pagdating sa nasabing paliparan.

Sinabi ni Lily Palafox ng Provincial Tourism Office na ito ay kasama sa kampanya sa turismo ng gobernador upang makapaghikayat ng mas maraming turista sa lalawigan.

“Marami kasi sa mga dumarating na turista ay walang sumusundo sa Laoag International Airport. Nagiging problema nila kung ano ang sasakyan palabas ng paliparan, lalo na sa gabi,” paliwanag ni Palafox.

Mayroong mga pumapasada na tricycle sa labas ng paliparan subalit medyo may kamahalan ang pamasahe dahil halos apat na kilometro ang layo nito sa sentro ng Laoag City.

“Ang ‘Sirib Bus’ ay maaaring sakyan ng mga dumarating na mga turista, at kahit na ng mga naninirahan sa lalawigan na walang pribadong sasakyan. Ito ay para sa lahat. Mayroong ‘tourism desk’ ang Provincial Tourism Office sa Laoag International Airport at maaari nilang tanungin ang empleyado namin dito upang makasakay sa bus,” sinabi ni Palafox.

Ang Sirib Bus ay bumubiyahe patungong Laoag Airport sa tuwing mayroon eroplanong darating. Ang Philippine Airlines, Cebu Pacific, at Air Philippines Express ay mayroong biyaheng Manila-Laoag-Manila isang beses bawat araw.

Paliwanag ni Palafox, ang Sirib Bus ay mayroong rota na dumaraan sa mga hotel sa San Nicolas at Laoag City.

“Ito ay sa pakikipag-ugnayan sa Ilocos Norte Travel Agencies Association. Bahala na ang turista kung anong hotel ang gusto nila,” sabi ni Palafox.

Hindi lamang serbisyo sa pagdating ng mga turista sa Laoag International Airport ang ibinibigay ng libreng sakay sa Sirib Bus. Maaari din sumakay ang mga turista pabalik sa paliparan sakaling sila ay aalis na ng Ilocos Norte.

Ang pagsulong ng turismo ang isa sa mga prayoridad ni Gobernador Marcos. Naniniwala ang gobernador na ang turismo ay higit na makakapag-angat ng ekonomiya ng lalawigan at makakapagbigay ng trabaho at kabuhayan sa taong-bayan. (ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines