Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 27 July 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Saturday, January 14, 2012

 

Tagalog News: Bulag at premiyadong manunulat, mapaparangalan sa Ilocos Sur

by Ben P. Pacris

VIGAN CITY, Jan 14 (PIA) -- Kakaibang manunulat at mamamahayag si Crisostomo Ilustre, ang “Fr. Jose Burgos Awardee for Literature” sa 2011 dahil inihalintulad siya kay Pedro Bucaneg, ang bulag na itinuturing na Ama ng Iluko Literature.

Sinabi ni Bokal Jeremias Singson sa naganap na Provincial Board session sa Kapitolio noong Martes na maparangalan si Ilustre sa prestihiyosong award dahil sa kanyang kakaibang ambag sa pagpapayabong ng panitikang Iluko para mapreserba sa mga susunod na salinlahi.

Karapat-dapat lang na parangalan ng pamahalaang probinsyal ng Ilocos Sur ang isang modelong manunulat at mamamahayag na tulad ni Ilustre na angkop ang kanyang “Siglat Award” o “Galing” na ipagkakaloob sakanya sa pagdiriwang ng “Kannawidan” (Tradisyon) Festival na magaganap sa Heritage City sa unang Linggo ng Pebrero, sinabi Singson.

Maliban sa plaque of recognition, tatanggap din si Cris, tawag sa kanya ng mga kapuwa niya mamamahayag, ng cash award mula sa provincial government.

“Nagpapasalamat din ako kay Gov. Chavit Singson, Vice-Gov. DV Savellano at ang provincial board sa award na ipagkakaloob nila sa inyong lingkod. Sisikapin ko pa ang lahat ng aking makakaya para sa pag-usbong ng sarili nating literatura at kultura,” sinabi ng 71 taong gulang na dating reporter ng Voice of America .

Pinarangalan ng Unyon ng mga Manunulat na Pilipino (UMPIL) si Ilustre noong Agosto 27, 2011 sa Makati bilang modelong manunulat na Ilokano. Noong Oktobre 3 sa nakaraang taon, pinarangalan din ng Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilokano (GUMIL) o Asosasyon ng mga Manunulat na Ilokano sa Ilocos Sur bilang modelong manunulat dahil sa mga nanalo niyang akda.

Nanalo na siya sa iba’t-ibang patimpalak sa pagsusulat ng Iluko Short Stories na itinaguyod ng Sta. Raffaella Ilocano Community sa Rome, Italy; Reynald F. Antonio Award for Iluko Literature sa Alaska; at iba pang sponsors na grupo ng mga Ilokano sa Amerika.

Si Crisostomo Ilustre ay chairman ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP)- Ilocos Sur Chapter, station manager ng DWVN Magic FM, at production manager ng Iluko Heritage Channel.

Dahil sa katarata at katandaan, nabulag si Ilustre ngunit kabisado niya ang pagtipak ng kanyang makinilya o typewriter na ipinapa-encode niya sa kanyang anak kung gumagawa siya ng mga akda sa mga patimpalak. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines