Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 30 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

 

Tagalog News: Libreng lupa at pabahay para sa mga kawani ng Kapitolyo

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Enero 16 (PIA) -- Isa sa mga plano ni Gob. Alfonso V. Umali Jr. ngayong taong 2012 ang mabigyan ng sariling lupa at bahay ang mga kawani ng Kapitolyo, ayon kay Janey V. Galvez, pangulo ng Provincial Government of Oriental Mindoro Employees’ Association (PGOMEA) sa isang panayam kamakailan.

Ayon kay Galvez, mismong ang gobernador ang nagmungkahi ng proyektong pabahay matapos ang pormal nilang paglagda sa Collective Negotiation Agreement (CNA) sa pagitan ng PGOMEA at pamahalaang panlalawigan noong Disyembre ng nakaraang taon.

“Noong pumirma kami ng CNA, mismong si Gov. Umali ang nagsabi sa akin na gusto niyang makapagbigay ng malaking proyekto sa mga empleyado at iyon ngang pabahay ang gusto niyang ipagkaloob,” ayon kay Galvez.

Ayon naman sa gobernador, kung kakayanin ay nais niyang libre itong ipagkakaloob sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Sinabi rin ni Galvez na inatasan na ni Umali ang Provincial Legal Office na ayusin ang lahat ng dokumento upang legal na magamit sa proyektong pabahay ang apat na ektaryang lupa ng pamahalaan sa Barangay Sto. Niño, lungsod ng Calapan na dating breeding station ng pamahalaan.

Inimungkahi rin niya sa gobernador ang 60 square meters na sukat ng bawat itatayong bahay at pagpaprayoridad sa mga kawaning wala pang sariling lupa’t bahay at interesado sa proyekto.

Napakalaki rin aniya ng posibilidad na matuloy ang libreng proyekto ng pabahay sa mga taga-kapitolyo lalo pa’t ayon umano sa gobernador ay nangako ng tulong sa housing projects ng lalawigan si Vice-President Jejomar Binay na siya ring chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

“Kung ang proyektong pabahay na ito ay mari-realize sa administrasyon ni Gobernador Umali, isa na ito sa masasabi kong legacy niya at patunay nang malaking pagpapahalaga niya sa kapakanan ng mga kawani ng kapitolyo,” pahayag ni Galvez. (LBR/PIO-PIA-Louie T. Cueto)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines