Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 30 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

 

Tagalog News: Panibagong paglabag ng RA 9165 muling naitala; mga suspek arestado

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Jan 16 (PIA) –- Muli na namang nakaiskor ang pinagsanib na pwersa ng Sorsogon Police Provincial Intelligence Office, Sorsogon Provincial Public Safety Company Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (SPPSC-AIDSOTF), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Sorsogon laban sa mga nagtutulak ng droga sa Sorsogon matapos ang isinagawang buy-bust operation noong Biyernes, Enero 13 sa sentro ng Olondriz St, Brgy Cogon sa bayan ng Juban, Sorsogon.

Huli sa akto ng paglabag sa, “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002,” sina Russel Grefaldeo y Higuit @ Banoy, 34, walang trabaho, walang asawa, at residente ng South Poblacion Juban at si Maximino Marjalino y Napili alyas “Boboy”, 28, isang welder, may-asawa, at residente ng Brgy Taboc Juban.

Nakuha mula sa mga ito ang isang sachet ng pinagdududahang mga tuyong dahon ng marijuana, P1,500 na ginamit bilang marked money, isang yunit ng Nokia cell phone, dalawang piraso ng disposable lighter at perang nagkakahalaga ng P574.

Ang marijuana at ang shabu ang ilan sa nangungunang ipinagbabawal na gamot.

Subalit ayon kay PDEA Provincial Intelligence officer Raul Natividad, ang cocaine ay isa na ngayon sa unti-unti nang nagiging mabenta sa lokal na industriya ng droga. Ngunit kinumpirma nitong wala pa silang naitatalang nahuli sa Sorsogon maging sa rehiyon ng Bikol dahil sa paggamit ng cocaine.

AYon pa kay Natividad umaabot sa P5,000 hanggang P6,000 bawat gramo ang halaga ng bentahan ng shabu habang P70 naman bawat gramo ang bentahan ng marijuana.

Samantala, tiniyak ng PDEA na kontrolado pa rin ang sitwasyon ng droga sa lalawigan at katuwang ang mga ahensya ng pamahalaan ay hindi nila titigilan ang giyera laban sa ipinagbabawal na gamot hanggang sa tuluyan nang masugpo ang paggamit nito. (MHatoc/PIA Sorsogon)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines