Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 18 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

 

Tagalog Feature: Pangalagaan ang kalikasan: magtanim maraming puno, maging responsableng minero- DENR

ni Cherry Joy Discaya

LAOAG CITY, Jan. 16 (PIA) -- Ang pagtatanim ng punongkahoy ang pinakamura at pinakamadaling paraan ng pagtulong upang mapangalagaan ang kalikasan. Bukod dito, ang responsibleng pagmimina ay isa rin sa mga daan para maibalik ang dating ganda ng kalikasan, ayon sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR).

Hindi maikakailang mayaman sa mineral ang lupain ng ating bansa, kaya naman isa sa mga pinagkakakitaan ng mga tao dito ay ang pagmimina. Ang paghuhukay sa mga yamang-mineral gaya ng ginto, pilak, tanso, at iba pang katulad nito.

Gayunpaman, may ilang umaabuso sa ganitong uri nga pagkakakitaan. Inaabuso ang paghuhukay para lamang makalikom ng marami at maibenta sa mas mataas na halaga. Nagkakaroon tuloy ng hindi magandang bunga sa kalikasan sa ating bansa.

Naisusugal ang kaligtasan ng mga tao dahil sa mahinang pundasyon ng ating kalikasan laban sa mga nakamamamatay na bagyo, pag-ulan , pagbaha at paggupo ng mga lupa. Marami tuloy ang namamatay at nawawalan ng tirahan sa pagdating ng biglaang kalamidad tulad ng mga ito.

Ang mga kabundukan naman kung dati ay unti-unti nang nakakalbo, ngayon ay marami na ang tuluyang nakalbo. Makikitang ebidensya ang labis na pagbaha tuwing umuulan bunsod ng kawalan ng punong sumisipsip sa mga tubig-ulan at pumipigil sa pagbaba nito sa kapatagan.

Ang pamahalaan ay nasa proseso ngayon ng pagpapatupad ng pangangalaga sa kalikasan. Naging mandato noong nakaraang taon ng Pangulong Aquino ang pagtatanim ng isang bilyong punongkahoy hanggang sa taong 2016.

Sa ngayon, lahat ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng opisina ng DENR sa kanilang lugar ay nakikiisa sa programang ito ng pamahalaan.

Sa rehiyon ng Ilocos, may mahigit dalawang milyong punongkahoy na ang naitatanim sa limang libong ektarya ng kabunbukan simula ng pagpapalabas ng kautusan sa pangangalaga ng kalikasan.

Bawat mamamayan sa Ilocos ay nakiisa sa pagtatanim, maging sila man ay nasa pampubliko o pampribadong sektor sa gobyerno. Nakiisa din ang mga nasa sektor ng relihiyon, mga pamantasan at kolehiyo, mga grupo ng kabataan, pangangalakal, military, sa sektor ng medisina at panggagamot at maging sa elementarya at hayskul.

Minomonitor naman ng tanggapan ng DENR ang lahat ng mga magpapatayo ng minahan sa pamamagitan ng pagsiguro na lahat ng kailangang dokumento ay kumpleto at naisagawa lahat ng clearance na kailangan bago magpalabas ng permit.

Sinabi ni Juan Delos Reyes, pangulo ng DENR sa Ilocos Norte na mahigpit na binabantayan nila ngayon ang mga kumukuha ng permit para sa mga nagnanais na magpatayo ng minahan sa probinsya. Ayon sa kanya, sinisiguro muna nila ang lahat ng mandato ng DENR ay nasusunod bago sila magpalabas ng permit.

“Maingat kami sa pagbibigay ng permit, mabusisi ang ginagawa naming ebalwasyon sa mga natamo nilang clearance, at mahalaga din na makuha ang panig ng mga naninirahan sa lugar kung saan isasagawa ang pagmnimina," paliwanag ni Delos Reyes. "Kung wala ang mga ito, hindi kami nagpapalabas ng permit."

Mahalaga din na maging responsible ang mga minero. Kabilang dito ang pagbabalik sa lugar na hinukay na lupa pagkatapos ng isinagawang pagmimina para matabunan at maibalik ito sa dating itsura. Ito ay para makaiwas sa disgrasya at hindi magandang dulot nito sa kalikasan.

Sa mga pag-aaral na isinasagawa ng mga espesyalista sa University of the Philippines’ National Institute of Geological Sciences (UP-NIGS), maaari pa daw maulit sa ilang siyudad ng bansa ang nangyaring kalamidad sa Cagayan De Oro at Iligan City dala ng bagyong Sendong. Naitala dito ang mga siyudad ng Laoag, Vigan, Alaminos at General Santos City.

Kaya, patuloy ang pamahalaan sa paghikayat sa pakikiisa ng mga mamamayan sa pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programang pangkalikasan. Magtanim ng maraming puno at maging responsableng minero, ang panawagan ng gobyerno. (ANL/CJD-PIA 1 Ilocos Norte)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines