Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 29 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

 

Eng'g office sa Sorsogon,‘Best Engineering District’ sa Bicol

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Jan 16 (PIA) –- Ipinagmamalaki ngayon ng Sorsogon 2nd District Engineering Office (S2-DEO) sa ilalim ng pamamahala ni Engineer Jake Alamar ang pagkakahirang nito bilang Best District Engineering Office sa buong rehiyon ng Bicol sa taong 2011.

Wala pang isang taong panunungkulan ni DE Alamar bilang pinuno ng Sorsogon 2 DEO, nagampanan nito ang papel ng isang administrador at fiscal - manager kung saan naipatupad nito ang iba’t-ibang mga reporma at pagbabago sa sistema ng operasyon at pamamalakad dahilan upang maibigay nito ang wastong serbisyong inaasahan sa kanila ng publiko.

Malaki din umano ang naiambag ng pagtutulungan ni Alamar at assistant engineer Romeo F. Cielo upang maisakatuparan ang mga reporma kung saan naglabas din ng mga serye ng memorandum at mga patakaran upang maiangat pa ang kalidad ng trabaho at gawing pangunahing prayoridad ang serbisyo publiko ng bawat manggagawa ng S2-DEO.

Ang maayos at organisadong pamamahala at pagpapatupad ng mga proyekto at programa, at ang ‘output-oriented’ na uri ng serbisyong ipinamalas ng mga tauhan ng 2nd District Engineering Office ng Sorsogon mula sa may pinakamababang posisyon hanggang sa mga pinuno nito ang naging sukatan upang makamit nito ang natatanging pagkilalang ito.

Ayon kay Alamar, lahat umano ng mga hininging rekisitos upang matugunan ang mga sukatan sa pagpili ay agaran nilang naibigay tulad ng maintainance rating, quality control, absorptive capacity, at construction accomplishment na kinabibilangan ng pantay at malinaw na pagpapatupad ng mga proyekto tulad ng regular na imprastruktura at iba pa.

Ang nasabing parangal ay denisisyunan ng Management Committee (ManCom) ng Department of Public Works and highways (DPWH) Central Office at personal na iniabot ni DPWH Sec. Rogelio Singson kay Alamar. Ito umano ang kauna-unahang parangal na natamo ng Sorsogon 2nd District Engineering Office.

Matatandaang naging full-pledged District Engineering Office ang nasabing tanggapan mula sa pagiging sub-district office nito noon lamang 2010 sa bisa ng RA 9689 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ng Department Order No. 42 s. 2010 na nilagdaan naman ni Singson. (HDeri, DPWH/PIA Sorsogon)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines