Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 26 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

 

Tagalog News: PNoy pinasalamatan ang Luen Thai sa malaking puhunang binubuhos sa Phl

ni Carlo Lorenzo J. Datu

CONCEPCION, Tarlac, Enero 16 (PIA) -- Personal na pinasalamatan kaninang umaga ni Pangulong Benigno Aquino III ang Hong Kong-based firm na Luen Thai Group sa mga malalaking pamumuhunan nito sa bansa na nakapaglikha ng libo-libong trabaho para sa mga Pilipino.

Ayon kay Aquino, siya ay natutuwa kapag ang diskusyon ay nababaling sa Luen Thai sapagkat nangangahulugang ito'y mabuting balita.

Sinabi ng Chief Executive na kapuri-puri ang naiambag na ng kumpanya sa bansa dahil nagbigay daan ito upang tuparin ng gobyerno ang pangako na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng disenteng kabuhayan.

Inilahad ng Pangulo ang plano ng Luen Thai na makapaglikha ng hindi bababa sa 35,000 trabaho sa ikatlong taon ng kanyang panunungkulan at mag-expand sa iba pang negosyo maliban sa damit at bag gaya ng turismo.

Si Aquino ang nagsilbing panauhing pandangal sa grand opening ng pagawaan ng subsidiary ng Luen Thai na D Luxe Bags Philippines sa barangay Sta. Rosa, Concepcion, Tarlac.

Ang DLuxe ay isa sa mga outsourced manufacturers ng mga designer bags ng American firm na Coach. Ito ay na incorporate noong Disyembre 2010 at inirehistro sa Board of Investments noong Enero 2011.

Sa kasalukuyan, may 1,200 empleyado ang D Luxe at umaabot ng mula 90,000 hanggang 100,000 ang mga bag na nagagawa nito kada buwan.

Target nito ang US$130 milyong na export value at apat na milyong bag kada taon pagsapit ng 2014.

Ang pagtatayo ng bag manufacturing facility sa Tarlac ay isa sa tatlong ipinangako ng Luen Thai ng makipagpulong sa Pangulo noong Setyembre 2010 sa New York City.

Ang dalawang iba pa ay ang expansion ng Adidas production plant nito sa Mactan, Cebu at Ralph Lauren factory sa Clark Freeport. (WLB/CLJD-PIA 3)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines