Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 27 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

 

Tagalog News: Sedula, dokumentong pagkakakilanlan ng isang residente

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 18 (PIA) –- Sa pagkuha ng sedula, nabibigyan ang mga residente ng uri ng pagkakakilanlan sa bansa.

Nanawagan sa mga residenteng nasa tamang edad, empleyado man o hindi, ang ilang mga kapitan sa barangay dito sa lungsod, na kumuha ng community tax certificate o sertipikong buwis ng pamayanan o mas kilala sa tawag na sedula sa pagpasok pa lamang ng panibagong taon.

Ang sedula na tinatawag ding residence certificate ay isang legal na dokumentong pagkakakilanlan sa Pilipinas. Ito ay iniisyu ng mga lungsod o bayan sa lahat ng mga taong 18 anyos pataas.

Maliban sa mga designadong tanggapan ng pamahalaang panlungsod o bayan ay maaari din itong kunin sa mga barangay.

Makikita sa sedula ang mga sumusunod na impormaston tulad ng: buong pangalan, taas, timbang, Tax Identification Number (TIN), lugar at araw ng kapanganakan, nationality, civil status, pinagkakakitaan, marka ng hinlalaki ng kanang kamay at pirma ng kumuha ng sedula at ng opisyal na nagbigay nito.

Bilang pangunahing pagkakakilanlan o ‘primary form of identification,’ ginagamit ang sedula kung magpapanotaryo, kung manunumpa bilang opisyal ng pamahalaan, kung nakatatanggap ng lisensya o permit mula sa opisyal ng pamahalaan, kung magbabayad ng buwis at iba pang mga bayarin sa pamahalaan, kung tatanggap ng pera mula sa pampublikong pondo, sa mga transaksyon sa negosyo, at iba pa.

Sa ilang mga pagkakataon, ginagamit din ang sedula bilang pangalawang pagkakakilanlan o ‘secondary form of identification’ tulad halimbawa sa pag-aplay ng pasaporte.

Sa kasalukuyan, sa ilalim ng Local Government Code of the Philippines, lahat ng mga buwis na nakukuha mula sa pagbabayad ng sedula ay pinaghahatian ng pamahalaang lungsod o munisipalidad at pamahalaang barangay, at may maliit ding bahagi na ibinibigay sa pamahalaang nasyunal bilang bayad sa halaga ng pag-imprenta ng mga sedula.

Ayon sa mga kapitan, sa pamamagitan ng pagbabayad ng sedula natutulungan nito ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang ekonomiya dahilan sa nakadadagdag ito sa kaban ng barangay o ng lokal na pamahalaan. (MAL/BAR, PIA Sorsogon)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines