Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 17 December 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

 

Tagalog news: Luistro malaki ang pag-asang mapupunuan ang kakulangan ng classroom sa 2013

ni Lucia F. Bronio

QUEZON CITY, Enero 18 (PIA) -- Malaki ang pag-asa ni Department of Education (DepEd) Secretary Armin Luistro na kaniyang magagampanan ang kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III na mapupunuan ang lahat ng kakulangan sa mga silid-aralan sa buong bansa sa taong 2013.

Ito ang kaniyang ipinahayag sa nakaraang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Education, Deutsche Bank, SM Foundation Inc., BDO Foundation Inc. at ng SM Primeholdings Inc.

Ang MOA ay naglalayong makatulong upang maibsan ang malaking kakulangan ng mga silid aralan sa buong bansa.

Nakapaloob sa MOA na tutulong ang SM Group of Companies sa DepEd sa pagpapatayo ng abot sa 11 gusaling aralan o 22 silid aralan na sisimulan sa lalong madaling panahon.

Ang mga silid aralan ay binubuo ng isang dalawang palapag na school building na may apat na silid aralan at mga kubeta sa Dasmarinas, Cavite, anim na isang palapag school building na may tig-dalawang silid aralan at kubeta sa Davao City, General Santos City, Pampanga, Sariaya sa Quezon at sa Cebu City.

Pahayag ni SM Foundation Executive Director Debbie Sy, ”Umaasa kaming bago matapos ang taon ay nakatayo na ang aming mga naipangakong silid-aralan.”

Kasama rin sa pagtutulungan ang mga upuan, lamesa ng guro, bentilador, pisara at mga signages.

Ang mga paaralang makikinabang sa pagtutulungang ito ay ang Banisil National HighSchool sa General Santos City, Malinta Elementary School sa Cavite, Communal Elementary School ng Davao City, GSC Sped Integrated School sa General Santos City, San Nicolas Integrated School ng Pampanga, San Isidro Integrated School sa Pampanga, Sampaloc Elementary School sa Quezon, San Manuel Elementary School sa Bulacan at Tanza Elementary School sa Navotas City.

Sinabi ni Secretary Luistro na ang mga tulong na ito ay kabilang sa programang “Adopt A School Program” at isa sa mga pinaka-epektibong paraan upang mahimok ang pribadong sektor tumulong sa pamahalaan na maisulong ang edukasyon.

Aminado naman si Luistro na malaki pa rin ang kakulangan ng mga silid aralan kaya’t malugod niyang tinatanggap ang tulong.

Sa talaan ng Deped, mayroon pang kakulangan sa mgasilid aralan na mga 66,000. Inaasahan namang itatayo at matatapos sa taong ito ang abot sa 30,000 silid aralan at ang kakulangan ay pupunuan sa pagpasok ng sunod na taon. (LFB/RJB/PIA-NCR)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines